Prologue

8 0 0
                                    



"Allez-vous en!!" Malakas na sigaw ni Mon sa binata at sa matandang kasama nito. Pilit niyang pinapaalis ang mga ito ngunit hindi siya pinakikinggan.

Translation: Allez-vous en- Go away

"Paano si Ama? Nasisiguro kong papaslangin din nila ito!" Nag-aalalang sabi ng binata sa dalaga.

Sabay silang napalingon sa enerhiyang kanilang naramdaman. Bumalik muli ang tingin ng dalaga sa binata at madiing hinawakan ang braso nito.

"I. Said. Go. Away!!" Sa pagbigkas pa lamang nito ng mga salita ang kulay abong mata niya'y naging pula. Naramdaman ng binata ang malakas na enerhiya ng dalaga kaya wala siyang nagawa kundi hilain ang kanyang ina at mabilis nilisan ang paaralan.

Nang hindi na maramdaman ng dalaga ang enerhiya ng binata at ang ina nito ay siyang dating naman ng ibang bampira sa likod niya. Dahan dahan niyang hinarap ang mga ito at sa isang iglap lamang ay nakapabilog na ang mga ito sa kanya. Ang mapupulang mata nito'y pawang nag aapoy sa galit at ang mga pangil ay nasasabik nang pumaslang. Ang suot nilang kapa'y itim sa labas at ang loob ay kulay ginto na ang sumusuot lamang nito ay ang pangalawang mataas sa hari, ang Elevates

"Traitre!" Galit na sigaw ng babae na ika-limang Elevate. Walang magawa ang dalaga kundi tignan lamang ang mga ito na nag aapoy sa galit dahil sa kanyang kataksilang ginawa.

Translation: Traitre- Traitor

Mula sa kanyang likuran, isang patalim ang tumama sa likurang leeg niya. A dart from the seventh Elevate. Sa pagtama nito unti-unting nanghina ang tuhod niya't agad siyang napaluhod. Nararamdaman niya ang pagod sa buong katawan na tila'y ilang saglit na lamang ay bibigay na ang talukap ng kanyang mga mata.

Dalawang kamay ang humawak sa magkabilang braso niya at mabilis siyang binitbit ng mga ito. Nakarating sila sa tutunguhan at lahat ng mata'y nakatuon sa kanya hindi niya na tinignan ang mga ito dahil sa pagdating pa lamang nila ang mga mata niya ay nakatuon lamang sa bampira na siyang puno't dulo ng lahat.

"I will kill you!" Mabilis nakalapit ang bampirang puno't dulo ng lahat at madiing sinakal ang dalaga. Tumulo ang dugo ng dalaga nang bumaon ang kuko ng bampira.

'I must give her an award' sabi ng dalaga sa kanyang isipan.

"Tigil" ang lahat ay nag siyuko nang marinig ang maawtoridad na boses. Binigyan nila ito ng daan at dahan dahan itong lumapit sa kinaroroonan ng dalaga. Ramdam ng dalaga ang galit ng may awtoridad dahil sa kakaibang timpla ng hitsura nito. Lumawag ang pagkakasakal sa dalaga at unti-unting inalis ang kamay nito sa kanyang leeg. Naghilom naman agad ang sugat niya.

"Dapat siyang paslangin aking hari, tinulungan niyang makatakas ang pumatay sa ating anak! " Galit na sabi ng bampira na kaharap ng dalaga.

"I do not know you can do this thing, Reign. I thought you are faithful in our world, laws and to me" panimula ng hari.

"You just gave me a reason to get what you should not have! First, you distracted us so you can do your plans. Second, you helped Alexandra's family to escape and last, you abused your ability. Look what you have done, Reign" bakas sa boses ng hari ang galit at pangungulila sa anak. Galit at bigo ang nararamdaman nito sa dalaga dahil ang akala niya'y tutulungan siya nitong mahanap ang pumatay sa anak niya na kanilang prinsipe.

Doon lamang napansin ng dalaga ang nangyari sa kanilang paaralan. Halos maground zero ito, ang mga tore ay halos bumagsak na at ang kagubatan ay halos makalbo't pumatag na. Hindi niya akalaing maaabuso niya ang kanyang kapangyarihan.

Naramdaman niya nalamang ang kamay ng hari sa kanyang ulo. Ang dalawang Elevate naman na may hawak sa kanya ay humigpit ang hawak sa kanya. Sa ganoong postura ng hari alam na niya ang mangyayari.

She felt her own energy going up to the king's hand. Ang nanghihinang katawan ay lalo pang nanghina dahil sa unti-unting pag ubos ng enerhiya sa kanyang katawan hanggang ang nagbago ang ilang parte ng katawan niya. Her half black and half silver gray hair and her grayish eyes became natural black, her eyesight became faint and her pale skin became less.

Ang pinaka mataas na reign na pangatlong mataas sa hari ay tila'y hindi mo na makikilala dahil sa nagbagong anyo nito. Ang malakas at isa sa makapangyarihan na bampira ay naging natural na lamang. Humina at nawala ang mga abilidad. Bumigay ang katawan niya sa panghihina at huli niyang narinig ang sinabi ng hari bago mawalan ng malay.


"Your heart is very soft when it comes to your friends and that is your weakness"

******

Vote & Comment

-S Y Z Y G I U M E V E R-

Unlawful LoveWhere stories live. Discover now