#IMEETmyFATHERsMISTRESS
ISIAH's POVHindi talaga maalis sa isip ko ang ginawa ni Storm sa'kin no'ng isang araw. Loko 'yon ah, ang halay! Pero oo nga nangyari 'yon, ngunit wala man lang akong ginawa.
May nangyari na ba sa'min? Nakuha na ba niya ako? Parang kinilabutan ako sa naisip ko, ayyyytz ba't ba 'di kasi ako umapela? B-ba't hinayaan ko ang gano'n?
Pakamot-kamot ako ng ulo ko habang papasok sa school, 'di ko na nga napansin ang mga students na bumabati sa'kin parang nawala ako sa sarili ko. Habang wala ako sa sariling naglalakad, may nabangga ako..
"Ano ba?!"
Nasapo ko ang noo ko, pader ba ang nabangga ko?? Ang tigas kasi, nang itaas ko ang mukha ko nakita ko ang mga matang nanlilisik, taas na taas ang kilay at ipokrita tumingin.
"Ohhh, it's you again?"
Tumaas ang kilay ko, as if naman na gusto ko siyang makita? Heller kung pwede pa lang maglagay ng pader ginawa ko na.
"Ohhh," taas kilay kong wika sa kanya, "its you too?" ani kong may ngiti pa. "I don't want to ask why you are here? Because its obvious."
Wika ko pang napatingin sa likod niya dahilan para matawa siya.
"Obvious in what?" Mataray niyang tanong.
"Dalawa lang 'yan... Una bagsak ang anak mo, at pangalawa napaaway."
Wika kong napangiting aso habang nakatingin sa kanya. Nanlaki ang mata ni Kabet, like what I said, 'di ko siya papangalanan sa storyang 'to... No way!!
"Aba? Kapal naman ng mukha mo? Mana ka talaga sa nanay mo!"
Parang bakal na nalaglag sa lupa ang tunog ng teynga ko nang marinig ang pangalan ng Mama ko, ayaw na ayaw ko sa lahat dinadamay siya. Tumawa ako ng mahina na sinabayan ko pa ng pag-iling.
"Alangan ba naman sa'yo ako magmamana? 'di naman kita Ina." Wika ko sa kanyang napapakamot pa ng ulo ko. "Well, ngayon naiitindihan ko na kung baket ganyan ang ugali ng anak mo."
"Ano?" Tanong niya na tila naiinis pa.
"Sana naman 'wag danasin ni Maya ang dinanas mo, alam mo na karma is digital, 'wag sana siyang maging katulad mo na---" wika kong napahinto pa. "Alam mo na---" wika ko ulit na may pakamot pa ng batok ko. "Alam mo, tama nga sabi ni Mama ko na kung ano ang puno 'yon ang bunga. Kaya pala ganyan ang anak mo, Kasi nakikita n'ya sa'yo."
Nanlaki ang mata ng Kabet ni Papa, gusto ko matawa, sabi ko naman sa kanya 'wag niya ako uunahan dahil 'di ko siya uurungan. Mapapahiya lang siya sa'kin.
Napansin ko madami na palang nakatingin sa'min pero wala akong pakialam sa kanila. Natawa siya saka humarap sa mga estudyante.
"Everyone, can I have your attention please? Give time to listen, lapit kayo at makinig, alam n'yo ba na this Girl is manggagamit?" Wika niya sabay harap sa akin. "Ginamit niya lang ang mga Mondroadou para lang makapag-aral dito, Kasi wala naman talaga silang pera. Nakakahiya 'di ba?"

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...