CHAPTER 2: Pain
Avery's POV
Napahinto ako ng makasalubong ko siya sa hallway...
"Hi Kevin" bati ko sa kanya...
Tumingin siya sa akin ng matalim at yung mata niya, puno pa rin ng galit sa akin.
"Hi Avery" bati niya sa akin ng walang gana at sa malamig na tono.
Nilagpasan niya lang ako, pero bago niya ako lagpasan huminto siya sa tabi ko pero nakaharap sa pinanggalingan ko.
Ramdam ko ang galit niya sa akin.
Tapos nagsimula na siyang lumakad palayo sa akin.
"Galit ka pa ba sa akin?" tanong ko sa kanya kaya napahinto siyang maglakad.
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglakad.
This time humarap ako sa kanya pero hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko. Tinitingnan ko lang siya habang unti-unting lumalayo sa akin.
"Dahil ba sa ginawa ko, nagawa mong magalit sa akin?!" Tinanong ko ulit siya pero this time medyo pasigaw at naluluha na rin ako.
Huminto siya at humarap sa akin na para bang puno naman ng lungkot at awa yung mukha niya.
"Hindi ko alam Avery, hindi ko alam" sabi niya sa akin.
Unti-unti na siyang lumalapit sa akin hanggang sa nakarating na siya sa kintatayuan ko ngayon.
Inakap niya ako.
Hindi ko mapigilang umiyak dahil ngayon ko lang ulit naramdaman yung yakap niya. Yung yakap niya na kapag may problema ako nawawala lahat.
Naaalala ko pa noon nung dapat magiging kami. Kung hindi siguro ako umalis hindi ako nagkaganito, hindi kami nagkaganito.
Hindi ko alam kung ano kasalanan ko sa diyos kung bakit niya ako gina-ganito.
Ako na mismo ang kumalas sa pagkakayakap namin. Bakas sa mukha niya ang pagka gulat sa ginawa ko.
Hinarap niya lang ako, mata sa mata.
Hindi ko alam ang nararamdaman nito dahil plain lang siyang nakatingin sa akin.
Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman mo, Kevin.
"Ano ba ang iniisip mo, Kevin?!" tanong ko sa kanya.
Hinawakan niya kasi yung kamay ko at kinaladkad ako.
BINABASA MO ANG
Inlove With My Childhood Friend?! (slow update)
Teen FictionAkala ko perfect na ang buhay ko... Dahil may mga kaibigan para tulungan ka kapag may problema ka. May magulang na nagmamahal at nag-aalala sa iyo. May kapatid ka na pinapasaya ka sa araw-araw. Paano kung isang maling ginawa mo mawala ang lahat. At...