Dream Come True 1

16 1 0
                                    

Dream Come True

Ako si Khana, isang simpleng babaing nangangarap na makita ang aking super duper hyper mega ultimate cute and handsome crush kong si Bright. Walang araw na hindi ko pinapanood ang mga movies nya at walang araw din na hindi ko nakikita ang mala-anghel nyang mukha at kahit pati sa mga notebook ko nakasulat ang pangalan nya.

Pauwi na ako galing school nang makita ko si Yhani na kumakain nanaman.

" Kumakain ka nanaman?" Walang ganang sabi ko.

 "Ay. Hindi tumatae ako, hindi halata ano?" Pangmimilosopa nya.

 "Hindi kaba takot tumaba?"

 " Hindi. Kasi the more I big, the more I cute." Proud nyang sabi.

 "The more you big, the more you PIG!" Tumakbo ako pagkatapos kong sabihin yun habang tawang-tawa sa pagbabago ng expression nya.

At Iyon naman si Yhani, friend ko matagal na at katulad ko isa din syang Dreamer girl, pangarap nyang mapansin at maging boyfriend si Bass, ang sikat at ultimate Heartthrob ng campus. May pagka ambisyosa din kasi itong si Yhani e, gusto nya sila na agad, kaya ayun, mangarap sya.

Nakatira kami ni Yhani sa isang maliit na apartment kasama ang iba pa naming mga kaibigan kaya mas nakilala narin namin ang isa't isa.

Pumasok na kami kinaumagahan, as always panira lang ng araw ang pagmumukha ng mga terror naming instructor at boring nilang discussion kaya oras nalang lagi yung binabantayan ko.

 " Khana, may goodnews ako sayo!" She said excitedly to me.

 "Ano?" Walang ganang sabi ko.

 " Hulaan mo?" Ngiting-ngiti nya paring sabi.

 "Tanga..  Wala akong ganang manghula ngayon." Nagpatuloy na ako sa paglalakad.

 "Okay. Sasabihin ko na ngalang." Huminto ako at tiningnan sya at hinintay ang sasabihin nya. Mas lumapad yung mga ngiti nya kaya na cu-curious tuloy ako. "Sinagot ko na si Bright!!"

 "Oh tapos?" Umiwas nanaman ako at nagpatuloy sa paglalakad.

 "Anong 'Oh tapos?' Hindi ka galit?" Takang tanong nya habang nakasunod sa akin.

"Bakit naman ako magagalit?" Wala paring ganang sabi ko.

"Dapat magalit ka! Suntukin mo ako! Sampalin mo ako! Tadyakan mo ako! Kasi kami na ni Bright, at alam kong gustong-gustong-gustong-gusto mo sya!"

 "Pag sinuntok ba kita, sinampal at tadyakan, aalis naba yang malanding kaluluwang sumapi sayo?" Hinarap ko sya.

 "Ay grabe ka naman hindi ba pwedeng kami na talaga ni Bright?!"

 "Hindi! Kasi napaka Impossible ng sinabi mo! Sinagot? Niknik mo!" Tinalikuran ko na sya.

 "Manood tayo bukas ha?!" Pahabol nya. Hindi ko na sya sinagot. Kaya napahabol sya sakin at nakisabay. "Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung saan?"

 "Hindi. Kasi alam kung abs nanaman yan ng mga lalaki." Binatukan nya ako kaya napahinto ako at ganun rin sya.

 "Aray naman! Ano ba?!"

 "Iba! (baliw) Grabe ka, kahit favorite view ko ang abs, hindi naman kita isasama no. Loko ka!" Nag walk out sya. Seesh.. Napaka drama.

Napangiti ako habang pinapanood sya, nakakatuwa kasi pag nagdadrama yan ng ganyan, Best actress ang peg.

 "Bukas ng gabi, may show daw si Bright at sa  gymnasium gaganapin." Mabilis na nag process sa utak ko yung sinabi nya kaya sobrang saya kong tumakbong lumapit sa kanya.

Dream Come True 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon