"hindi ganyan, Ganito..." sabi ni papa Habang hawak hawak ang gitara nya na minana nya pa sa lolo ko, hanggang ngayon ay hindi padin tumitigil ang mga ninuno ng limbaro sa pagsalin salin ng musika sa Mga kaanak nito.7 years old ako ng matuto akong mag gitara, Si kuya Jetro naman ay tinuruan ni tito miguel ( kapatid ni papa ) na mag piano pero ang alam ko mas gusto nya padin ang Gitara dahil mas una nyang natutunan to.
hanggang ngayong 16 years old na ako, dala dala ko padin ang Talento kong musika pag dating sa eskwelahan..
****
naka tingin lang ako sa naka sabit na gitara ngayon sa sala habang inaalala ang nakaraan namin ni papa.. tatlong araw na mula ng mawala sya, Tanging ako, si kuya jetro at si mama nalang ang natira dito sa bahay, lugmok na lugmok ako dahil di padin mawala yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
"nak, kamusta kana?" Sabi ni mama ng naka akbay saakin sabay upo sa tabi ko. Sinok naman ako ng sinok Habang pinipigilan Yung mga luhang pumapatak sa mata ko.
"ina, Alam mo ba yang gitara na yan ang napaka espesyal na bagay dito sa loob ng bahay natin kaya nga natatawa ako Kase pinasabit pa yan ng papa mo saakin" sabay Ngiti ni mama habang hinahawi yung buhok ko..
"b-bakit po ma?" tanong ko. "Noong mga dalaga't binata pa kami tuwing Biyernes ng gabi nakakatanggap ako ng sulat galing sakanya, tapos tuwing Sabado naman ng gabi hinaharana nya ako.. natatawa nga ako kase kahit ayaw nila tatang Dado sakanya patuloy padin sya sa panliligaw, tuwing linggo naman ng gabi susundin ko yung nakasulat doon sa liham na pinadala nya noong biyernes may naka takdang Lugar doon kung saan kami magkikita tuwing linggo" kwento pa ni mama, ang Love story nila ang Pinaka paborito ko sa lahat.
kinaumagahan, lahat kami halos walang imik dito sa bahay. Mamayang 11 am pa ang pasok ko, habang si kuya naman 12 ang pasok pero sabay kami pupunta ng school kase escort sya at kailangan nyang mag practice para sa contest nila.
Si kuya jetro, matangkad, maputi, matalino, gitarista at basketball player at gwapo kaya tuwing magkasama kami sa school dinedeny ko na kapatid ko sya charot, sobrang gwapo nya maraming Babaeng Nangingisay sakanya.
Naglalakad na kami ngayon sa campus, Naka akbay sya saakin habang yung mga babae naman kala mo Bulate na inasinan Sa kilig. at heto ako mukang itlog sa tabi nya psh!.
"hi, mr. limbaro, Pwede ka bang sumama samin?" Sabi nya gamit ang sexy voice kadiri! sya si althea, babaeng lahat ata ng lalaki dito sa School e Naakit nya na.
"Sure althea, Mamayang lunch" sabi ni kuya, Whatt??!! sasama sya sa f*ckgirl na yun? Ew. sabay kindat pa ni kuya. Di ko akalain na magagawa yun ni kuya, bahala na sya.
pagpasok ni kuya sa room nya, humalik sya sa noo ko at sinabing "Mamaya hintay mo nalang ako sa gate Ah..nasakin yung susi" agad namang napa irap ni Althea sa ginawa ni kuya sakin.. pagpasok ni kuya sa room sinalubong naman ako ni althea pagharap ko.
"Hey girl, Please stay away from my baby.. alam mo namang mag jowa na lalapitan mo pa, kaano ano mo ba sya at hinalikan ka pa nya sa noo? kadiri, di ko aakalain na papatol sa mini insect si Jetro" sabi nya nagtaka naman ko kung bakit mag jowa na agad sila e diba kakaaya nya palang kay kuya na sabay sila mamaya. advance ding magisip to si ate girl e. napangiti nalang ako sakanya at papalakad na sana ako pero agad nyang hinablot ang ID ko.
"Aabagan ki----" di nya na natuloy yung sinasabi nya nang makita nya yung pangalan ko. *katrina limbaro*
"ano?, aabangan mo pa ako sa kanto?" sarcastic kong sabi Habang naka ngiti.. "hi im katrina limbaro, kapatid ng jowa mo.. ops di pa pala kayo.. aakitin mo palang pala sya" sabi ko at tumalikod.
"A-ate s-sorry po.." habol pa nya.. napa ngiti lang ako ang tumango. napapa evil laugh ako sa loob ko, nako nako maling akala talaga tsk tsk.
pagpasok ko ng classroom nandoon na si Alexandra, ang bestfriend ko since bata pa ako at di pa ako nagaaral.
"bakla?, ayos kalang? condolence nga pala.." sabi nya saakin, Ayoko nang muli pang pinaguusapan si papa dahil Inaatake nanaman ako ng lungkot pero ayos lang kase kaibigan ko naman sya.
"ayos lang ako alexandra ano kaba? haha alam kong masaya na si papa doon no." sabi ko sabay ngiti.
pumasok na si ms.villafuerte sa room at agad agad kaming nagsi balikan sa sari sarili naming upuan. natapos ang klase, nag Turo lang si miss about earthquake and faults, habang ako lutang na lutang padin.
"bakla tara na.." Hindi padin ako nagpatinag at naka tulala padin ako sa Board na parang tanga, pinitik ni Alexandra yung daliri nya (snap) at agad akong natauhan.
" ah oo bakla!" sabi ko at bigla akong napatayo sa kinauupuan ko, nilibot ko yung mata ko at nakita ko na kami nalang pala ni alexandra yung nandito sa room.
habang naglalakad sa hall way, nakita ko yung isang lalaki.. Moreno, Matangkad at mukang mabait sya, agad akong naakit sakanya.. napangiti ako habang tumutugtog sya ng gitara kasama ang kaibigan nya.
ETO BA YUNG LOVE AT FIRST SIGHT?!!!
"oo, ina. Tadhana yan" sabi nya sakin.. what? nahuli nya akong naka tingin sa lalaking yun?
"sya si Karlos alonzo, kaklase natin sya tuwing thurs ata ewan ko Kung anong subject pero Nakakasama natin sya sa room once a week" sabay sabi naman ni alexandra anong tingin neto sakin? may gusto ako dyan? ew"nako bakla, di ako interesado sakanya no. at isa pa, mukang unggoy yan ibang iba padin si Bebe daniel padilla ko no!" Deny ko, hala baka hindi tumalab to kay alexandra..
Nakaupo s'ya sa isang madilim na sulok
Ewan ko ba kung bakit sa libu-libong lalaking nandoon
Wala pang isang minuto
Nahulog na ang loob ko sa 'yo.
Gusto ko sanang marinig ang tinig mo
Umasa na rin na sana'y mahawakan ko ang palad mo
Gusto ko sanang lumapit
Kung di lang sa babaeng kayakap moprinsesa by: 6cyclemind
*******
Kabanata 1 palang yan mga vhakla no!, abangan nyo yung kabanata 2 sa susunod :)!!
BINABASA MO ANG
Until the music ends
AcakMusika lang naman ang nagpapa ibig sa babaeng Si Katrina limbaro. mula ng mawala ang tatay nya wala ng iba pang dahilan para sumaya sya sa pamamagitan ng musika ngunit mayroong isang lalaki na bumabagabag sa puso nya, hanggang panaginip ito nagpapak...