Vivoree's POV
Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni CK. Hindi ako sanay. Dati kasi hindi talaga kami natatahimik dito sa bahay kasi lagi nga kaming nagbabangayan even on simple things.
Pero ewan ko ba. Ngayon, ayun nga. Malapit na nga atang mag-isang linggo na hindi kami nagpapansinan. Ewan ko dun. Hindi ako pinapansin eh. I mean, I tried talking to him pero umiiwas ata ang mokong na yun.
Kagaya nung isang araw, kinausap ko siya tungkol dun sa sandwich.
"Uy, CK. Ahm..yung sandwich--"-Ako
"Hindi mo naman tinanggap diba? Wag mo nang i-open up."-CK
Pagkatapos nun, iniwan niya akong tulala at nagtataka sa ikinikilos niya. Hayst! Hindi ko siya maintindihan. Nakakainis!
Wala kaming pasok ngayon kaya nasa bahay lang ako. Umalis naman si CK at may meeting daw sila ni Nikka. At dahil nga walang pasok, iniisip ko..date ba yun?
Hay. Yeah, whatever.
Lumabas ako ng kwarto para magluto ng makakain ko pero bigla ko namang narinig na bumukas yung pinto. At ewan ko ba. Napatakbo agad ako dun dahil alam kong si CK yun. At tama naman ako. Pero..kasama niya si Nikka. And what are they doing here?! Dito talaga magdedate? Sa bahay NAMIN?! Gosh! Anong iisipin ng partner ni Nikka na totoo?! At ako, hindi niya ba inisip kung anong maiisip ko?
"Uh..CK. Andito ka na pala. Kumusta lakad mo-ah, niyo?"-Ako
Tinignan niya lang ako. What the hell is his problem? Nakakainis na ah? Hindi talaga siya mamamansin?!
Tsk. Nakakairita.
"Uh..hi Nikka! Anong gagawin niyo dito--I mean..uhm..ano--"-Ako
Ano bang nangyayari sakin?! Why do I feel like I want Nikka to leave?
Ngumiti si Nikka.
"Uhm..tapos na kasi yung meeting namin. Since bawal sa school ngayon, sabi ni CK dito daw muna namin i-try na lutuin yung recipe namin. Ayos lang ba sayo?"-Nikka
Ugh!! Nakakainis!
"Vivoree? Ayos lang ba sayo?"-Nikka
Ngumiti ako ng plastik sa kanya at sana hindi nila napansin yun.
"Uhm..oo naman. Oo, ayos lang. Pero, magluluto din muna ako ng makakain ko ha? Gutom na din kasi ako. Okay lang?"-Ako
"Oo naman. Kahit mamaya nalang kami magsimula. Ayos lang naman yun sayo CK diba?"-Nikka
"Yeah. Tara Niks, upo ka muna."-CK
Linagpasan nila ako at prenteng umupo sa nag-iisang couch ng bahay namin. Napairap nalang ako sa hangin at dumeretso na sa kusina.
Naghanda nalang ako ng lulutuin ko. Magluluto dapat ako ng adobo para hanggang mamaya na namin ni CK pero dahil naiinis ako sa hindi ko malamang dahilan, nagdecide nalang ako ng magluto muna ng noodles. Grr!!! Nakakainis!
Habang nakatulala at hinihintay na kumulo yung tubig, bigla namang lumapit si CK sakin.
"May problema ka ba kay Nikka?"-CK