ROKI'S POV
Walang nagtangkang kumilos sa amin,lahat kami ay nakatingin lang kay Luna/Titania Daseri at sa isang diwata na may maiksing buhok na kulay green na may halong asul,nakasuot sya ng isang asul na kapa na may mga balahibo ng isang hayop.Parehong berde ang mga mata nya na parang maraming pinagdaanan sa buhay.Sa kanang kamay nya ay merong isang marka,marka ng isang Avera
Meron ding ganitong marka sila Luna/Titania Daseri at si My crush/Zera Esra
Hindi ko masabi kung delikado ba sya pero isa syang Avera kaya bakit ang laki ng galit nya kay Beta Kyo?ano naman ang kasalanan ni beta sa kanya?May utang ba sya?
"Hindi ka isang diwata......hindi karin salamangkero.....pero bakit may kakaiba ang nararamdaman ko sayo..."sabi nung babae na tila kausap nito ang sarili nya.
Syempre!natural eh si Lilith yan noon eh! Sabi ko sa aking isip habang naghihintay nang susunod na mangyayari.
"Isa kang Avera....isang bagong avera...."sabi naman ni Daseri, daseri nalang muna,haba ng tawag ko sa kanya eh.
Ngumisi laman yung babae sa sinabi ni Daseri ,pero sa bagay malakas din ang isang to,nagulpi nga si beta kyo gamit lang ang tubig eh.
"Ibigay nyo na sa akin ang lalakeng yan at hahayaan ko na kayo,pero kapag di kayo sumunod ...pagsisisihan nyo ang naging pasya nyo.."malamig na wika nito kay Daseri
Umiling lang si Daseri at tila ipaglalaban talaga nya si new close friend beta Kyo,tsk haba!
"Hindi ko pwedeng gawin yon.....kaibigan ko sya...at hindi ko ilalagay sa panganib ang kaibigan ko"sabi ni Daseri at tumingin ito sa gawi ko bago tumanho na naintindihan ko agad.
Shit!!!!!!Siguradong away na to!!!parehong malakas pa naman sila!!
"Kung ganon kailangan mong harapin ang isang Randish Quera Evirona,diwata ng tubig at ulan!"sabi nito,naalarma naman ang ibang pack warrior pati narin si alpha at ambang susugod pero pinigilan ko sila sa pagsenyas ko kaya huminto sila.
Wow,kakaiba rin yung feeling na sinusunod ka 😍😎
"Sige lalabanan kita ,kaya walang makikialam .."maawtoridad na sabi ni Daseri kaya lahat kami ay nanatili sa aming puwesto,takot na baka kami ang masapak ni Daseri.
Kitang kita namin kung papano sila palibutan ng awra,yung sa Randish kuno ay isang berde na may halong asul,kay Daseri asul na may halong violet.
Wow ganda nila *_*
Nagulat ang lahat ng biglang nagpakawala ito ng isang bolang tubig pero lumampas iyon kay Daseri at papunta sa direksyon ni beta Kyo na wala ng malay dahil na bugbog Randish.
Pero naging maagap ako at sa pamamagitan ng bilis ko ay agad kong nakuha at nai-iwas si beta Kyo pero wrong idea pala dahil ang sama nang tingin sa akin ni Randish kaya napalunok tuloy ako.
"Ibalik mo sya!! "Galit na sabi nito at aatake na sana pero umatake naman si Daseri namay hawak na dalawang espada kaya di natuloy.
Sinangga naman ito ni Randish at naglabas ng tubig at ipapatama sana kay Daseri pero nakaiwas at nagpakawala ng maraming palaso at ipinuntirya kay Randish pero hinarangan laman nito gamit ang kanyang tubig.
"Naiintindihan ko na ang klase ng kapangyarihan mo,kaya mong makalikha ng sandata sa loob lamang ng ilang sandali"sabi ni Randish kay Daseri.
"Napansin ko naman na kaya mong lumikha ng tubig sa sarili mong kamay at katawan "sabi ni Daseri na kinangisi lamang ni Randish.
"May pagkakapareho ang kapangyarihan natin,nakakalikha tayo base sa kapangyarihan natin pero sisiguraduhin ko na ikaw ang unang mawawasak!!!"sabi nito at muli na naman umatake.
BINABASA MO ANG
Howl Of The Moon's Knight ✔ (Under Editing)
WerwolfIsang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan para sya ay maging malupit,walang puso at pinaka kinakatakutang Alpha King sa kasaysayan ng mga lobo. W...