Chapter 35: Unexpected Guests

20 13 10
                                    

Delialah's POV:
Pagkagising ko ay nandito na kami sa venue. Nakita ko namang ang sweet nung apat. Wow na lang ang masasabi ko. Na-curious bigla ako sa tatlong pa naming kasama na nasa kabilang sasakyan. Nagpatayan na kaya sila? Pero kung nagpatayan na sila, hindi na sila makakapagvaccation, hahaha! Kung ano-ano na naman ang lumalabas sa isip ko.

Nang makababa kami at nakapasok na sa kani-kanilang kwarto ay lumabas agad ako para magpahangin. Nakakainip din ang katahimikan ng lugar. Umidlip kasi si Hadley ng saglit kaya ang boring. Lumabas ako at nakita kong nakatalikod si Wyatt. Mukhang malalim ang iniisip kaya nilapitan ko ito.

"Huy! Ang lalim 'a" gulat ko rito. "Anong pinagsasabi mo dyan? Anong malalim?" Halatang naguguluhan ito sa sinabi ko. Minsan talaga may pagkaslow 'tong si Wyatt.

"Hayss, ang lalim kako ng iniisip mo"

"May naalala lang ako" Sa sinabi nyang yun ay naging active ang pagkacurious ko o pagkatsimosa.

"Ano naman yun?"

"I'm worried about Hadley" Sa pagkasabi nya nun ay parang namutla ako na hindi ko alam kung bakit. "But don't get me wrong, Delialah. I'm worried about Hadley because of Zeigfred. Wag kang magselos, at wala ka dapat ipagkaselos dahil sayo lang ako. Promise" Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa sinabi nito. Hala! Anong nangyayari sa akin? Hayst!

"I know you treat her as your little sis and as much as I know why you are so bothered because of that. Kaya kung okay lang sana sayo na..." I cut him off.

"Okay lang, tsaka wala naman dapat akong ipagkaselos 'e" Alam ko na ang sasabihin nito kaya hindi ko na sya pinatapos. Magaasaya lang sya ng laway, hahaha!

"Sure ka?" Parang na-gets naman nito ang sagot ko. Kaya tumango na lang ako na nagsilbing sagot.

"She's my best friend. And I know I can't do as much of those things you are doing for her. And I don't want to see my best friend get hurt again" He hugged me and I hugged him back. Kailangan talaga ngayon ni Hadley ng bantay, especially na wala ngayon si James.

Stan's POV:
Nasa kwarto na kami ngayon at ka-room mate ko pa 'tong si Jasper. Ewan ko ba kung bakit ang init ng mata nito sa akin palagi, wala naman akong ginagawang masama. At ang pinagtataka ko rito ay bakit lagi syang papatay pag kasama ko si Sarah? Wala naman akong ginagawang masama kay Sarah, 'e. I just want to be friends with her, but as of what he acts around Sarah, kala mo boyfriend na. Tsk!

Super tahimik ng kwarto namin. Nagbabasa lang sya sa side nya habang ako ay nagaayos ng mga gamit. Ng biglang nagvibrate ang phone ko.

"Incoming call"
     Zeigfred

Nasa kabilang kwarto lang naman 'tong si Zeigfred, tatawag pa! Ang tamada talaga kahit kailan.

Lumabas muna ako para sagutin ang tawag. Nakita ko namang ngumisi si Jasper nung isinara ko ang pinto.

"Yow, bro!" bungad ni Zeigfred.

"Tsk, kahit kelan talaga bro ang tamad mo. Ilang hakbang lang kwarto mo sa kwarto ko."

"Well...sa ayoko bro, 'e. By the way okay lang ba sayo kung may imbitahan pa akong ibang kaibigan? Pero uunahan na kita 'a. Matino naman 'tong nga kaibigan kong 'to. If it's okay lang naman sayo?"

"*sigh* Ano pa nga bang magagawa ko, kung naimbitahan mo na sila at papunta na?" May narinig akong mahinang smirk sound mula sa kabilang linya.

"The best ka talaga Stan! Thanks bro!" Pagkatapos na pagkatapos nyang magsalita ay agad agad naman na nya binaba ang linya.

Hindi na talaga nagbago si Zeigfred.

Be Fearless (ON GOING) #ChAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon