TITLE: STATUS: ENDED WITH NO LABEL
"May gusto ka sa kanya?" tanong ni Ekay— ang bestfriend ko, sakin. Umiling naman ako at pinagkunutan siya ng noo sa sinabi niya,
"Wala akong gusto sa kanya,"
"Eh bakit panay ang titig mo sa muka niya?"
'ipipilit niya talaga' sabi ko sa loob loob ko,"tinignan ko lang ang muka niya dahil may kakaiba, hindi ko tinititigan" pagpapaliwanag ko,
"walang kakaiba sa muka niya no'! natural lang ang pagiging gwapo niya, anukaba!?" ngumiwi ako, akala ba niya yun ang ibig kong sabihin?
"hindi iyon! basta wala akong gusto sa kanya" pagtatapos ko sa usapan,
"hay nako! iba nalang ang pangarapin mo, wag na iyan" tumawa nalang ako dahil ipipilit niya talaga ang gusto niyang palabasin.
"Ekay!" saway ko sa kanya, Nang marinig ang pinaguusapan namin ng ilang babae naming kaklase,
"tama ang sinabi ko! iba nalang ang pangarapin mo ano', maraming nagpapantasya diyan pero lahat hindi niya binibigyan man' lang ng atensyon! Maski tingnan ka man' lang ay parang hirap na hirap niyang gawin" mahabang litanya niya,
'ikaw ata ang may gusto sa kanya?' tanong ko sa loob loob ko"hi Drei" napatingin kami ni Ekay ng sabay sa isang babaeng hiyang hiya na lumapit kay Drei, "p-para sayo" inabutan niya ito ng isang box ng cake at may love letter sa ibabaw, habang nakayuko naman at tutok na tutok na naglalaro si Drei sa cellphone niya at may nakapasak na earphone sa tenga niya,
Nagantay pa ng ilang minuto ang babae at halos mangawit na ang kanyang braso dahil hindi man' lang siya lingunin ni Drei para kunin ang binibigay sa kanya, nginitian nalang ng babae ang lahat ng taong nakakita sa pangyayariKantiyawan,
Asaran,
At isang malakas na 'Ooohhww' ang nangyari matapos umalis ang babae sa pagkapahiya, malamang ay taga kabilang section ito,
Drei Margaux Cadiente, ewan ko ba? Ang totoo ay hindi naman siya matalino— hindi siya ganun katalino, tahimik, palaging nakayuko at may hawak na cellphone, nakasalpak rin palagi sa tenga niya ang earphone niya, hindi siya pansinin ng mga teacher dahil hindi naman siya pala-recite, sayang lang din ang tangkad niya dahil wala naman yatang ibang alam gawin yan kundi ang magcellphone, may ilan siyang kaibigan at puro iyon gamer,
Kaya ewan ko ba? Kung bakit marami parin ang nagkakagusto sa kanya, gwapo nga siya pero kulang yon!
Pero sa ibang babae siguro ay sapat na ang gwapo lang'Ako kasi hindi!
Doon ako sa lalaking gwapo na! matalino pa! for sure may future don'
At bihira nalang ang mga ganung lalaki, pero basta hindi parin sapat yung gwapo lang, yes, aaminin ko na medyo malaki naman talaga ang factor na magkagusto ka sa isang tao kung maganda siya o gwapo.
"nakita mo yung nangyare? Napahiya yung babae"
"oh tapos?" hindi ko makuha ang punto niya,
"ganun ang mangyayari sayo kapag—"
"Ekay." saway ko na sa kanya sa isang seryosong tono, ayaw pa niyang tigilan eh.
Pero kahit hindi rin naman kagwapuhan, hindi rin katangkaran, basta may sence of humor! Kadalasan doon nai-inlove ang babae.
Nang makauwi ako ay naabutan ko si mama at papa na nagaayos na ng mga gamit dahil lilipat na kami sa sabado,
"Punta ka sa bahay bukas?" tanong ni Ekay sakin,