Gulong gulo
Parang gulong,
paikot ikot ,
Paikot ikot lang tayo,
hindi alam kung tadhana ba o ikaw
umasa,
umasa sa tayong dalawa
tayong dalawa,
na tayong dalawa lang
pero bakit,
tinanong ang sarili bakit
bakit ako, mahal?
Tila ba ako'y nilalaro mo lang.
Ngunit hindi ko maintindihan.
May panahong
Ako'y iyong mahal,
Ramdam ko.
Ramdam mo.
Alam ko
Alam mo
Na kung anong meron tayo
Ay totoo.Sa tuwing magkahawak ang kamay nating dalawa,
Sa tuwing naglalapat ang labi nating dalawa,
Sa tuwing tayo'y magkasama
Sa tuwing tayo lang dalawa.Ngunit
Minsan ika'y kasama,
Madalas nasa iba
Gusto ako'y kasama
pag ika'y nag iisa,
Ngunit pag ika'y kailangan na
ika'y di makita
Di mahagilap
Nasan ka?
Nasan tayo?
Nasan ako ?Nasan ako ?
Sa puso mo
Pilit akong kumakatok
Pilit akong nagsusumiksik
Pilit kong kinukumbinsi
Ang sarili
Ang isip
Ang puso ko'y umaasa
Na ako,
Ako pa rin
Na sa pag lubog ng araw
Ika'y nasa tabi.
Na sa dulo nitong bahaghari
Ikaw at ako pa rin.Natatakot man,
Pero hinihiling
Na sana,
Sana balang araw
Ika'y maliwanagan din
Na sana,
Sana kung ako,
Ako
Kung siya,
Siya.
YOU ARE READING
MY SPOKEN POETRY
PuisiMy spoken poetry, based on what I'm feeling, sometimes based on others stories