"Mabuhay ang mga patay!"
Bakit kaya ganun ano? Kung kailan nawala ang taong aalalayan mo ng tunay mong pagibig ay ngayon pa lilisan sa mundong doon mo lang siya mismo matutuklasan.
"Nasa huli ang pagsisi" ika nga nila.
Pero bakit kahit nasa huli ang pagsisi ay hindi mo pa rin magawang bigyan ng importansya ang mga taong nasa paligid mo?
Nandito ako ngayon sa tapat ng simbahan kung saan mismo dapat ako ikakasal ng mahal ko at ng taong mahal din ako.
Totoo nga ba? Sapat na ba ang mahal? Sapat na ba iyon para ipagsiksikan mo pa ang sarili mo sa kanya?
Minsan di sapat ang mahal dahil minsan sa buhay mas nananaig ang pangangailangan.
Ikaw? Ikaw na mismong nagbabasa? Hindi ba minsan na kayong nagkasakitan ng iyong mahal? Pero ano? Merong taong nandyan sayo at icocomfort ka nila sa oras na lugmok ka. At doon mananaig ang pangangailangan kaysa sa mahal.
"Last na to oh! Please. Forgive me." Walang humpay na tumutulo ang lintek na luha kong ito. Oo! Ganto ako kadesperada para sa mahal ko! Bakit? Kasi umasa ako eh! Umasa ako na meron pa! Umasa ako na kaya pa! Pero ako lang pala itong asa ng asa samantala siya nahanap niya na yung taong para sa kanya? Ako? Nasaan ako? Nandito parin naghihintay na lumabas siya sa simbahan harapin ako at sabihing.
"Ikaw parin pala." Pero hindi eh! Nandoon siya nakangiti, punong puno ng pagmamahal ang bumabalot sa kanilang dalawa.
Hanggang dito na lang ba talaga? Wala bang happy ending man lang? Anong ending ba ang kahahantungan ko dito?
Pinilit kong dumilat. Pinilit kong bumangon. Pero di ko na kaya.
Isang patak pa ng luha. Isang patak ng luhang di na kailan man masusundan pa.
Paalam.
A/n.
Mabuhay ang mga patay! Enjoy your long weekend guys! Happy Halloween. Lovelots.
YOU ARE READING
Ym Yroys Ton Sruoy
RomanceIkaw? Pano mo bibigyan ng kulay ang istorya ng buhay mo? gagawan mo ba ito ng makabuluhan? o hahayaang mawalan ng gana na ikaw mismo ay ayaw ng ganong buhay. this kind of story is all about love, pero pano kung dahil dito ay kikitil sa iyong buhay...