Alecsa×Cristan

13 6 0
                                    

Alecsa's POV






Ako Si Alecsa Torres, isang simple babae na nagkagusto sa kaibigang may gusto namang iba. Ewan ko ba, sa dinami-dami ng lalaki sa mundo sya pa nagustuhan ko.


Nga pala prom namin ngayon at nasa event nako, hinahanap ko na lang sya dahil magpartner kami. Wala akong mahanap eh at yong love of his life naman may boyfriend na. Saklap diba?



Patuloy parin ako sa paghahanap hanggang sa nasagip ng mata ko ang lalaking nakatalikod. Pamilyar sya, nilapitan ko pa ng konti at tama nga ako si Pard nga.


"Pard, kanina ka pa ba?"-tanong ko sa kanya. Nakatalikod sya sakin non.



Sya naman si Cristan Gonzales, sya si Pard, my one and only bestfriend. Bukod sa matalino na, gwapo at mabait pa. Maalaga yan sa dalawa nyang kapatid, strikto minsan at minsan naman may topak kaya mahal ko eh.




"Mga 2 minutes nako—"-naputol ang sasabihin nya ng lumingon sya sakin. Bumilis ang tibok ng puso ko ng sabihin nya sakin ang mga katagang ito "—Ang ganda"-Tulala nyang sabi.



Syempre nagpaganda ako ng sobra sayo eh.





"Ang ganda ganda nya talaga"-sabi nya sabay tingin sa likod ko.



Ahh! Si Adele pala. Yong taong nagugustuhan nya. Yong nagpapatibok ng puso ni Pard. Napapout ako ng liningon ko si Adele. Ang ganda nga nya, matalino at mayaman, no wonder sikat siya sa campus. Talo na talaga ako sa kanya.





"Tara na?"-Offer ko sa kanya alangan naman don lang kami,  magtititigan. Siya nakatitig kay Adele, ako nakatitig sa kanya, si Adele nakatitig sa nobyo niya. Nagnod lang siya at sumabay na sakin sa paglalakad.



Ilang oras ang nakalipas at nagsalita bigla si Pard. Kanina pa kami di nagkikibuan eh. Wala lang, feel ko lang panisan ng laway.


"Pard, ang haba na ng nguso mo. Mukha ka ng pato"-natatawa nyang sabi. Inirapan ko lang sya at patuloy sa pagkain. "Ano ba kasing problema?"-tanong nya.




"Wala"-tipid kong sagot.



Para akong nakuryente ng hawakan nya ang kanan kong kamay, kaliwiti kasi siya.



"Ano nga kasi?"-tanong nya uli. Sobrang seryoso nya na ngayon.




"Wa-wala nga"-sabi ko sabay tabig ng kamay ko pero mas malakas sya at hinigpitan nya pa ang hawak nya sa kamay ko. Napagulp tuloy ako. Di naman ito yong first time pero nakakakaba lang talaga pagnahawakan mo si kraxx.



"Di ko bibitawan ang kamay mo kapag di mo sinabi sakin"-sabi nya sakin.



"Gutom lang ako"-I tried my best not to stutter.



"You're not a good liar"-sya sabay bitaw ng kamay ko."Sige, alis lang ako saglit. Yayain ko lang si Adele sumayaw"-dagdag nya pa.



Nakapout akong nagnod. Adele nanaman. Wala talagang oras na hindi nya nababanggit si Adele.





"Yong nguso mo nanam"-sya sabay tawa uli. Ang cute nyang tignan. Napangiti ako dahil sa tawa nya.




"Tapos ngayon ngingiti ka nanaman? Baliw kana"-sya sabay ngiti. Oo Pard, baliw na baliw ako sayo.
"Ge, babalik ako mamaya"-dagdag nya sabay talikod.



Nang umalis sya may dumaang waiter. Tinawag ko sya at kumuha ng isang Vodka. Pwede nako nito di nanaman ako minor.



Ilang minuto ang lumipas at nakasampung vodka na ako kaso wala parin si Pard hanggang sa isang oras na ang nakalipas wala parin sya. Marami na ang naubos ko at ito ako blur na ang paningin. Di ko namalayan nakatulog na pala ako.









You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bestfriends Turn To LoversWhere stories live. Discover now