Litrato

5 0 0
                                    

"Ah guys teka lang pahangin lang saglit."

"Sige pre, balik ka agad. Shoot tayo in 10 mins."

Naglakad ako papuntang Gazebo, at nagsindi ng yosi. Uupo na sana 'ko ng may mapansin na pigura ng tao na na nasa loob ng gazebo.

Nakatalikod, nakayuko, tahimik.

Lumapit ako sa upuan na gawa sa kahoy at nakilala ko naman kung sino yun kaya umupo ako agad.

Nakatingin siya sa kawalan, tila ba may malalim na iniisip.

"Yosi, Dan?" Alok ko.

Pero di niya ako pinansin, o ...napansin?

Bigla siyang nagsalita.

"Seej, paano?"

Lumingon ako sa kanya at ganoon rin sakin, kahit kakaunting sinag lamang galing sa poste ang naroon ay nakikita ko sa mata niya ang kalungkutan.

"Ha?" Sabi ko. "Ayos ka lang? Anong ibig mo sabihin?"

"Paano,"

Kumuha siya ng bato at hinagis sa mga halaman. "Tingin mo ba nasasaktan yung halaman ngayon?"

Hindi ko maisip kung ano pero may problema. "Daniele, okay ka lang ba talaga?"

"Oo naman," Sabi niya at kinuha ang yosing hawak ko. Diniin niya ang nagbabagang sigarilyo sa leeg niya, pucha!

"Dani ano ba!"

"Ayos lang sabi, Wala nga akong naramdaman."

Ngumiti siya sa'kin. Tangina naman.

Tinitigan ko siya at napansing may tumulong luha mula sa mata niya. Akmang yayakapin ko sana siya ng itulak niya ko ng malakas,

"What the—!"

"Wag mo kong hawakan. Ayoko nang makapanakit, Please lang."

Ang lakas ng pagkatulak niya, pagtingin ko sa palad ko mayroong sugat, dahil ata sa bato.

"Sorry seej. Sinabi ko naman sayo wag kang lumapit sa akin. Masasaktan lang kita,"

Umalis siya at bumalik sa loob ng bahay, nagpagpag naman ako at tumayo na rin. Nag aantay na ata yung mga kaklase ko.

-
Naiwan ni Daniele yung cellphone niya kaya agad ko siyang hinanap. Asan na kaya yung babaeng 'yun?

"Pre nakita mo ba si Dan?" Tanong ko kay KJ.

"Di eh, pero try mo sa may pool kasi andun sila Chrisha."

Pumunta ako sa may likod kung nasaan yung pool at doon ko nga nakita si Dani, tawa ng tawa kasama ang mga kaibigan niya.

Napaka peke mo.

Nakita ko kung gaano siya kalungkot kanina, pero ngayon sumasabay na siyang tumatawa kasama yung mga kaibigan niya. Ano ba talaga?

Lumapit ako sa kanila at biglang hinila si Daniela papunta sa may gilid.

"Seej? Diba sabi ko wag mo 'kong hawakan?"

"Dan, paano?"

Nagtitigan kami ng matagal hanggang sa siya ang unang bumasag, at tumingin sa malayo. Unti unti, nakita ko kung paano dahan dahang bumagsak ang luha na parang naipon ng matagal na panahon.

Inakap ko siya ng mahigpit pero pilit pa rin na nagpupumiglas. "Hindi mo 'ko nasasaktan, Dan. Ayos lang."

Tumigil naman siya sa pagtulak sakin kaya nagsalita ako ulit. "Bilib ako kung gaano ka katatag, At kung sa tingin mo nasasaktan mo ko ngayon ay mali ka, Ayoko na nakikita kitang malungkot kasi hindi ako sanay."

Narinig ko na mas lalong lumakas yung hikbi niya. "Kung ano man 'yang problema mo, maaayos din yan.."

"....Ang galing mo, Dan. Paano mo pa nakukuhang ngumiti?"

Sumagot siya. "H-hindi ko alam. Paano nga ba?"

"Pero salamat, seej. Sobrang maalala ko 'tong araw na 'to. Wala nang atrasan,"

Humiwalay siya sa pagkakayakap at biglang humalik sa pisngi ko na siyang ikinagulat ko.

Bigla namang may ilaw na kumislap na galing sa camera niya at agad na lumabas ang litrato.

"Hanggang sa muli, Seej."

-
"Seej alas dose na! Gising na! Hinahanap ka ng kaklase mo at nag aantay sayo sa baba," Pagpukaw sa akin ni Mama.

"Sino, ma?" Tanong ko at nagpalit ng t shirt.

"Kenson daw tsaka Chrisha ba ata yun,"

Anong meron? Magreretake ba ko ng scene? Feeling ko ang pangit ng arte ko kahapon, lagi kasing pumapasok sa isip ko si Daniele. Kumusta na kaya 'yun?

Bumaba ako ng hagdan at binati silang dalawa.
"Uulit ba ko? Pasensya na kasi talaga may iniisip lan—"

"Seej...." Tumingala sa akin si KJ. "Seej si Dani..."

Bigla akong nanlamig. "Bakit? May problema ba?"

"Naalala mo kagabi diba? Nagtatawanan kami kagabi sa gilid ng pool? Tapos hinatak mo siya? Diba?" Alalang sambit ni Chrisha.

"Anong ibig mo sabihin?"

May kinuha naman si Chrisha mula sa bulsa niya. Yung litrato namin kagabi. "Seej kasi.."





















"...Seej patay na si Daniela. Suicide."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LitratoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon