Friendzoned

8 0 0
                                    

Prologue

Mahal ko sya

Mahal nya din ako

PAANO?!

"Syempre mahal kita kasi bestfriend kita!"

NAKAKAKILIG DIBA? Lalo na galing pa sa taong inspirasyon mo, sa taong tanggap ka sa kung sino ka, hindi ka ikikanakahiya pag magkasama kayo. Kasi sya sikat sa school kasi gwapo at matalino, samantalang ikaw simpleng studyante.

Pero syempre hindi yun sapat para sayo. Mas higit pa sa pagkakaibigan ang gusto mo. Kahit gusto mong ipagtapat yung nararamdaman mo para sa bestfriend mo, eh hindi mo magawa kasi ayaw mong mawala ang pagkakaibigan nyo.

Kahit selos na selos ka sa mga nililigawan/crush/girlfriend ng bestfriend mo, pinipilit mong maging masaya para sa kanya kahit sobrang sakit na. Kasi ikaw yung palaging nandyan para sa kanya tuwing kailangan nya yung mga advice mo tuwing broken hearted sya. Tuwing umiiyak sya dahil iniwan sya ng mahal nya, ikaw yung nagiging panyo nya. 

Kahit pagod kana at sobrang sakit na hindi mo pa din sya iniiwan diba?

Kasi mahal mo sya...

Kaya mong gawin para sa kanya...

Pero hanggang saan ang kaya mong gawin para sa bestfriend mo?

Mainlove kaya ang bestfriend mo sayo? Magkatuluyan?

O tuluyan ka nang sumuko sa nararamdaman mo sa kanya?

Hanggang FRIENDZONED nalang ba talaga?

---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FriendzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon