Sa ginta ng maliwanag na araw ay tawanan,
napunta siya sa kung saan.
Ang lahat ay masaya,
at siya lamang ang nasisira.Siya'y nagdurusa, nalulunod, nauubos.
Walang nais yumapos, siya'y naghihikahos.
Pagkat sabi nila'y pag-iinarte niya ri'y lilipas.
Bumaba ang araw at kadilima'y lumakas.Naubos na ang lakas.
Gapos ay 'di makalas.
Hindi na siya makatakas.
Buhay niya'y nagwakas.Lahat ay naroon, dumamay, lumuluha.
Kunwari pagkawasak niya'y hindi nila nakita.
Kabaong ay inilabas.
Pag-iinarte raw ay lilipas.11.2.18
BINABASA MO ANG
Hinanakit ng Manunulat
De TodoNandito lahat, lahat ng sakit, hinanakit, mga hugot na kinikimkim ni author. O kaya mga bagay na naiisip ko lang, mga komento sa mga bagay na nakikita ko na idadaan ko na lang sa tula.