Ayiesha PovNandito ako ngayon sa CR. Kakatapos ko lang maligo at nagbibihis ako.
Pagkatapos kong magbihis lumabas na ako at tumungo sa kusina. Tiningnan ko yung ref kung may makakain.
Oo, may ref kami. Hindi naman kami as in mahirap, may kaya rin kami. Nakakabili rin kami ng mga appliances katulad nitong ref pero secondhand nga lng. Ok na yun, at least meron.
Sa aking paghahanap, kung sinuswerte ka nga nga naman. May nakita along tatlong itlog. Agad ko itong iniluto dahil gutom na gutom na ako, hindi pa kasi ako nakapaghapunan.
Madaling araw na ako nakauwi galing sa hospital. Inaantok na ako kaya hindi na ako nakapaghapunan.
Nitong mga nakaraang araw, doon ako namalagi sa hospital kaya napagpasyahan ko na umuwi na muna sa bahay at dito na rin matutulog para mabantayan ko din tong bahay.
Pagkatapos kong kumain, sinuot ko na ang uniporme ko. Guess what?....mag-aaral na ako
Pero jowke lang, hindi ibig sabihin na kapag nakauniporme na mag-aaral na.
May trabaho na ako.
Napagisipan ko kasi na habang di pa ako naipapakasal maghahanap muna ako ng trabaho. May pangangailan rin ako katulad nang pagkain....
Di ko din dapat iasa kay lolo ang lahat. Tama na yung siya ang magbayad ng lahat lahat ng gagastusin sa hospital.
Pagkatapos ko kasing maka-usap si Lolo Francisco ay naghanap na ako ng trabaho.Umabot pa nga ng dalawang araw bago ako makahanap ng trabaho. Isa akong saleslady sa isang Mall.
Ok na rin yun at least may trabaho. Para bang sweldo ay ipangbibili ko ng mga personal na pangangailangan.
Pagkatapos naming mag-usap. Hindi na sya nagparamdam. Mahigit isang buwan na. Baka busy lng sa trabaho niya.
Pero baka hindi niya ituloy yung sinabi niya. Nakakahiya naman. Binayaran niya ako tapos hnd matutuloy. Sayang naman. Sabay pout.
Bakit ba ako nasasayangan??...no no no
Wag kayong mag isip ng kung ano-ano jan.Hindi naman sa gusto kong magpakasal. Sa katunayan nga kung pwede umayaw nalng, edi sana ginawa ko na pero unfair naman. Ngayon pa ako aayaw na nabayaran na ni Lolo Francisco yung pampaopera kay nanay. Imagine umabot ng isang milyon, saan ako kukuha ng ganyang kalaking pera. Eh saleslady lng naman ako....hayssss
Ang daldal ko.
Andito na pala ako sa Mall na pinagtatrabahoan ko. Nagkukuwento kasi ako habang naglalakad patungo rito para hnd ako malate.
Hapon na kakatapos ko lng sa trabaho ko at magsasara na rin din tong mall kaya nagmadali akong magbihis baka masarhan pa ako rito.
Nakakapagod rin palang magtarabaho kaya pagdating ko sa bahay, umakyat na ako at sumalamapak na ako sa kama. Nakabisita na pala ako kay nanay nung tanghali. Hindi pa rin siya nagigising. Namiss ko tuloy siya. Sabay pout.
Iniisip ko si nanay hanggang sa makatulog na ako.
Kinabukasan, nagising ako ng maaga. Natapos na ako maligo, magbihis at kumain kaya pupunta na ako. Mas mabuti na ang maaga para hnd malate.
Bago ko pa mabuksan ang pinto, nagring ang aking phone.
Ring....ring....ring.
Sino kaya to?. Number lng ang nakalagay. Agad ko naman ko naman itong sinagot. Pero bago pa ako nakapagsalita naunahan. Alam ko kung sino ito kaya natawa nalng ako.
[ Hello apo!?.. Kamusta ka na?? Kamusta nanay mo?? Okay na ba sya?? Naoperahan na.........."]
Pero bago niya matapos ang kaniyang sasabihin pinutol ko na ito.
"Hello po Lolo. Ah. Eh, ayos lng po ako at ayos lng din si nanay. Naoperahan na sya nung nakaraang buwan pero hnd pa din sya nagigising".
Nagcrack ang aking boses ng pagkasabi ko nun.[Magiging okay lng din sya apo. Just have faith. By the way iha, ipapakilala ko na sayo ang aking apo sa linggo. Susunduin kita sa bahay niyo.]
Baka hindi sya makapasok dito. Ang dami kasing pasikotsikot rito. At baka maligaw pa sya.
"Ah lo, wag na po. Baka maligaw pa kayo dito." Sabay tawa ko at napatawa rin si lolo. "Kita nalng po tayo sa mall."
[Sige iha. See you on Sunday.]
[Bye po....] Sabay baba ko sa phone.
Mabait kaya yung apo ni Lolo Francisco. Sana naman magkatulad sila ni Lolo Francisco.
Think positive Ayiesha!
Kaya pagkatapos nun. Lumabas na ako at pumunta na sa trabaho.
Sa susunod......
A/n****************************************
Hope u like it!😊😊😊
Don't forget to vote!
Thank you!❤
YOU ARE READING
Wanted Wife for my Grandson (Ongoing)
Novela Juvenil"Asawa lang kita sa papel kaya wag kang umastang galit na asawa, wala kang karapatan pigilan ako sa ginagawa ko...tsk tsk tsk At isa pa hindi kita mahal, si Lauren lang ang mahal ko" -Ace Nyt Garcia🌷