Bryce's POV
Ngayon ako naman ang titira. Shards of Emeralds!! Sigaw nito at itinaas ang kanyang scepter at lumabas rito ang mga maliliit na emeralds ngunit matutulis ang mga ito.
Solar Wing! Gumawa si Anne ng isang force field na hugis pakpak at humarang sa mga paparating na emerald shards.
Water Bolt! Nagpatama naman si Mark ng energy sa kanya pero mukhang hindi sya magandang idea dahil inabsorb lang muli ito ni Shaldem at ibinalik sa kanya at this time natamaan sya.
Ahhh. Paimpit nyang sigaw at papalapit na syang bumagsak sa lupa.
Mark! Digital Room! Agad namang nag cast si Cedric ng spell at niligtas si Mark dahil nasalo ng kanyang spell si Mark. Nag thumbs up pa si Mark kay Cedric bilang pasasalamat at gumanti naman si Cedric.
Mga hangal, di nyo ako basta basta matatalo ng inyong mga kapangyarihan. Emraldifying Ray! Naglabas sya ng green ray sa kanyang scepter at agad naman silang umiwas dahil magiging emerald sila kung nagkataon. Habang umiiwas sila ay nakita ko naman na naghiwahiwalay sila ng landas, si Cedric ay nasa harapan at si Xiara naman ay nasa likod ni Shaldem. Samantalang si Mark at Anne ay may binabalak din.
Let's do it Mako, Tidal Wave! Pinaikot ni Mark ang kanyang kamay at may lumabas na malaking alon sa likod nya at ibinato nya ito kay Shaldem.
Ha! Tingin nyo matatalo ako ng isang tubig alon?! Ngisi nitong sabi at itinutok nya ito at mukhang handa syang muli itong i absorb. Ngunit nakita ko na lumapit si Anne sa likod ng alon at may nilagay syang bolang liwanag doon. Pagkaalis nya ay bigla syang pumitik ng daliri at biglang lumiwanag ang alon.
Ahhhh! Dahil sa pagkasilaw ay hindi na nya naituloy ang kanyang pagtutok ng scepter sa alon at tuluyan nga syang nadaanan nito.
Nice work you two! Paghanga ko sa kanilang dalawa. Ngumiti naman sila sa akin bilang tugon. Nakita ko naman ang maliwanag na scepter ni Shaldem na nakalutang sa tubig.
Ang scepter Cedric! Kunin mo na ito bago pa ito makuha ni Shaldem! Utos ni Mark kay Cedric. Tumalima naman agad si Cedric.
Digital Web! Nakita ko na pinalibutan ang scepter ng isang sphere at inalis ito tubig at pinapunta ang sphere sa kanya. Natuwa naman ako at nakuha nila ang mahiwagang scepter ni Shaldem. Ngayon ay malaki na ang tsansa na matalo nila ito.
Humupa na rin ang tubig at nakita ko si Shaldem at nakahandusay sa lupa. Agad naman itong bumagon at pagkatapos ay nagulat sya ng wala na ang scepter sa kanyang tabi.
Nasaan ang aking scpeter?! Nasaan ang aking mahiwagang emerald scepter?! Sigaw nya sa aming lahat.
Looking for this? Pambubuska nitong tanong at pinakita ang kanyang scepter na nakabalot sa digital web ni Cedric. Kita ko na nainis sya dahil mukhang naisahan sya.
Paano ba yan? Mukhang naisahan ka namin Shaldem. Wala nang scepter na tutulong sa iyo. Kaya Xiara, ngayon na! Anas ni Cedric sa likod at napalingon agad si Shaldem at nakita nya si Xiara na lumlikha ng mahika sa kamay.
Ivy Wrap! Inangat nito ang kanyang kamay at may bumulwak na isang mahabang makapal na baging at pumulupot ito kay Shaldem.
Ahhh pakawalan ninyo ako rito!! Sigaw nya habang nagpupumiglas sya sa baging na nakapulupot sa kanya. Nang masiguro na hindi sya makakawala, agad na lumipad pababa ang mga kaibigan namin at lumapit sa kanya.
Ngayon, natalo ka na namin Shaldem, maari mo na ba ibigay ang Codex? Tanong ni Mark pero tunawa lamang ito ng malakas.
Hahahahaha. Tingin nyo dahil napulupot nyo na ako ng isang baging ay natalo nyo na ako? Dyan kayo nagkakamali mga mortal! At sa isang iglap ay bigla syang naglaho. What? Imposible!

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...