RIX

120 9 17
                                    

"Rixen, apo pakidala naman itong mga kandila." At ginawa ko naman pati na ren ang mga bulaklak para ilagay sa puntod.

Lolo Jaq and I used to visit my Lola Quin's grave every 24th of May. Nagdadala kami ng mga pagkaing paborito ni lola para ipagdiwang ang kaarawan niya sa langit. Atleast diba? Double celebration, Alam ko namang nagcecelebrate na siya sa langit.

"La miss ka na po namin ni Lolo, Sana nageenjoy ka kasama mga friends mo dyan sa langit. Mamaya pa po darating si Lola Peach kasi po may inaasikaso pa po siya sa kumpanya pero darating naman siya mayamaya."

Lola Peach is my step lola, mula nang mamatay si Lola Quin matagal na panahon nang nakalipas. Lola Peach has been a very cheerful, supportive and a loving lola to me. Parehas na parehas sila ni Lola Quin.

Dumating si Lola Peach mahigit isang oras matapos naming magcelebrate.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko at di nga ako nagkamali, nangungulit na ang kaibigan kong si Kylie.

"Hello Ky? Oo na parating na ako dyan.. oo na. Send me the address.. Geh.. see yah!"

"Lo, La pupunta na po ako sa kaibigan ko po, May lakad lang po kami ni Ky."

"Osige apo magiingat ka at kami nang bahala dito ng lolo mo." paalala ni Lola. Nagbeso ako sa kanila bago lumayo.

I drove out of the cemetery as fast as I can dahil alam kong kating kati na yung kaibigan ko.

As I got there, I parked my car immediately and went inside the mansion. Medyo madilim na buti nakita ko agad ang kaibigan ko wearing her black dress paired with a pair of black stilleto, she's stunning tonight. Di ko alam na may ikakaganda pa pala tong kaibigan ko.

"Rix! Akala ko makakaubos pa ako ng 3 bote bago ka dumating. Halika, ipapakilala kita sa co-worker ko nung nasa Arizona pa ako."

I saw a tall lean man as we are heading towards the main dining table. His stare is kinda intimidating.

"Red! Here is my best friend Rixen. Rix, He is Red Yair, co-worker ko sa Arizona nung nagvevet pa ako."

"Nice to meet you, vet ka rin pala?" I said with a sweet smile.

"Likewise, yup! I am a vet too kaya nga naging kaibigan ko rin tong bestfriend mo." We talked about certain stuffs and I really enjoyed his company.

" Osige maiwan ko muna kayo, I'll just entertain some visitors. Enjoy the night, ladies."

Kylie and I almost finished 12 bottles of random beers. She's already drunk kaya bago pa sya tuluyang mawalan ng huwisyo ay tinawagan ko na yung boyfriend nya.

Matapos kong tawagan ang boyfriend nya ay nalobat agad yung phone ko. At lucky day ko ngayun ah.. dahil wala akong dalang charger. Tinanong ko si Ky pero wala naman daw siya. Kinapalan ko na yung mukha ko at nagtanong tanong pero wala namang compatible sa phone ko.

Medyo pagewang gewang narin yung lakad ko at bago pa ako matumba ay nakabangga ako ng katawan.

The body's built extraordinary, it's ozing hot as hell. His manly scent is really invading my nostrils. God he smells so good!

"Miss, I think you are already drunk, besides babae ka pa kung iinom ka alagaan mo ang sarili mo." His voice is way to deep in a very nice way. I am already getting attatched to his presence like I don't want to get rid of it.

"Hmmm.. You smell so good. May charger ka ba?" I try to focus on what I'm saying but the liquor I've consumed seems hard to resist.

"Ano?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Connection (one shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon