Ilang araw narin ang lumipas,
Walang kuryente
Puro pagkain lamang
Magalaw ang mga puno
Malakas ang ulan
Mahamog na paligid.
Sa loob ng bahay
Basang bintana
Sarang pintuan
At malamig na semento
Tik-tak-tik-tak
Alas 'dos n naman
Ang bilis talaga ng oras
Parang kagigising ko lang kanina
Ngayon hapon na naman.
Sa sala
Punong puno ng malalakas na tawanan
Kuwentuhang walang katapusan
Hindi man kami nagbabasa ng libro
Sa panahong ito
Wala kaming ibang ginawa
Kundi makinig sa mga kuwento
Ng bawat isa.
Sa suot ng bawat isa,
Akala mo'y taglamig tulad sa ibang bansa,
Kundi sanhi lang ito nang malamig na klima.
Buong araw na nakakulong,
Gustuhin mang lumabas
Ngunit mas gusto parin dito sa silong,
Sapagkat sa panahon ngayon,
Katawa'y umuurong
Sa pabago-bagong panahon.
Oh! Bagyong Gener
Dahil sayo'y Ilang araw na 'ding walang pasok,
Kasiyaha'y aking naipagtarok
Ngunit mas masaya pa din may pasok.
Sapagkat ang buhay ng estudyante
Ay hindi parang laro lamang
Kailangan ng araw araw na pagsisikap
Para buhay ay maagap
Para sarili ay matanggap
Para makamtan mga pangarap
Sa pamamagitan ng tiyaga at kasipagan.
By Kzen D.