Chantal's P.O.V.
Nandito na ako sa room at nakita ko na naman ang lintek na impakto sa buhay .
"Chantal!" sigaw ni Impakto.
"Oww?" bored na baling ko sa kanya.
"Wala lang goodmorning!" masiglang bati niya.
Tinignan ko lang naman sya. Wala namang maganda sa morning.
~
Lumipas ang oras at lunch break na hindi ko kasabay si Koa kase impakto talaga siya.
Hanggang sa dumating yung oras na mag re-report na kami sa computer syempre may nauna muna bago kami, parang yung nangyari sakin may nauna na bago pa ako dumating.
"Chantal ano yung hearken?" biglang bulong ni Ysha sakin
"Hmmm, to give attention" mahinahong sabi ko.
"Pwedeng bigyan mo ko non?"biglang sabi ni Koa
"Ha?" I'm shookt. Mga par juskoooo, kinikilig ako, pero kunwari di ko narinig hahahaha.
"Hakdog, hahahhaahahaha joke. Pwede bang bigyan mo ko ng time mo? Kahit kaunti lang?" sinabi niya ulit.
"Ah? Eh? Hahaha." Shookt pa rin ako mga par, help meeee.
"Chantal what is love?" pag-iiba niya ng usapan. Haayyy, buti naman jusko.
"Love is all about sacrifice. Hindi puro saya lang, may kasama pa rin siyang pain. Kasi kapatid ni love ang pain, kasi wala namang hindi nasasaktan sa pagmamahal. Maraming types ang love. First, crush, nandito yung puro kilig muna. Next, one sided love, yung mahal mo na siya pero hindi ka niya ni-love back, ikaw lang yung umaasang ni-lolove back ka rin niya. Lastly, pinapaasa ka niya, andito yung grabe siya magbigay ng motibo, kaya naman ikaw na tatanga-tanga, umasa. Sobrang hirap 'di ba?"
"Isang tanong lang yon, tapos andami mo na agad sinabi" sabi ni Koa tapos tawa ng tawa.
"Sorry naman, nadala eh" sabi ko tapos tumahimik na kami pareho.
Akala ko wala na siyang sasabihin, meron pa pala.
"Chantal, ano 'yong euphoria?" tanong na naman niya.
"Another term for happiness." Napatango naman siya at nagsalita.
"Then, you're the 'cause of my euphoria." Shookt na naman ako mga par. Dahil don, napalaki naman ang mata ko at deep inside ay kinikilig pero hindi ko pinapahalata. Omooooooo!
"Lah? Walang biruan ng ganyan, Koa."
"Muka ba akong nagbibiro? Lahat ng sinabi ko totoo" seryoso niyang sambit.
"Ah, sige hehe."
~
Nagbell na. Geography subject na namin. May group activity at magkagroup kami. Jusko tadhana, masyado ka nang nananadya ha.
Habang naggagawa ako ng report, lumapit siya sa akin at kinausap ulit ako.
"Ang cute mo nung baby 'no?"
"Nung baby lang" sabi ko pero hindi nakatingin sa kanya kasi nahihiya ako sa nangyari kanina.
"Pero mas cute ka 'pag naging baby kita." Pano huminga waaahhh! Pero papakipot muna tayo mga par.
Oxygennnnnnnnn!
"I'm strong independent person at hindi na ako baby hehe."
"Ay basag. Sige. Hahahahahaha"
Kawawang Koa. Hahahahahahaha
Bwisit masyado nya akong pinapaikot sa mga matatamis na salita nya. Ako naman tong tanga na kinikilig pa e alam na ngang hindi naman totoo yung mga sinasabi nya.
~
Nagbell na ulit. Homeroom na. Nilapitan ulit ako ni Koa, as always. Kinuha niya yung phone ko, eh gagamitin ko 'yon, kaya hinabol ko siya, naghabulan kami sa iba'it ibang parte ng campus.
"Koaaaaa! *sigh* akin na *sigh* young phone ko! *sigggghhhhhhhhhh*"
Meron pa naman ako ngayun pinapahabol nya ako ng pinapahabol kahit alam ko naman na hindi ko siya maaabot.
Dahil pagod na pagod na ako at sumasakit na yung puson ko tumigil na ako kakahabol sa kanya. Kaya pumunta na lang ako sa may bintana para magpahangin at tumulala doon. Pumikit na rin ako para pakiramdam ko yung sarili ko.
"Meron ka ba ngayun?" biglang sulpot nya.
Hindi ko na kailangan dumilat pa kasi kilala ko na yung boses nya.
"Mmm" sagot ko sa kanya napagod talaga ako ng sobra.
"Magpahinga ka na. Oh eto na phone mo" abot nya sa phone ko. Tss. Sa wakas at napagod na rin sya. Inabot ko lang yun at pumikit ulit.
"Pumunta ka na sa upuan mo at matulog ka muna."
Sinunod ko naman sya dahil pagod na din ako at inaantok na rin.
Pagkaubob ko tinakpan ko lang yung muka ko pero hindi ako natulog kasi inaantok lang naman ako. Nakatingin lang ako sa kanya.
Kahit patago na lang kita tignan.
Pumunta din sya sa upuan niya at natulog din. Kaya pumikit na ako para ipahinga yung sarili ko.
Pagdilat ko gising na sya.
Hmmm, parang may nalimutan ako?
Ano nga ba yun?
Sheeeeetttttt!
Ngayun ko nga pala susunduin si Bea! Napabalikwas ako dahil 4:30 na! Omooooooo! Paktay ako Kay Mamc nito e.
"Ngayun ko pala susunduin si Bea! *face palm*" nasabi ko na lang
"Samahan na kita" biglang sabi ni Koa nasa harap
"S-sige" Nakakahiya naman!
BINABASA MO ANG
Everything Was Fake
Novela JuvenilA fool girl, fall for a playboy. She fall by his words, his clinginess, everything. She thought it's all true, but sadly, it isn't. Because they're just in a game.