Accident

8 1 0
                                    

BAD HABIT

Chapter 2

"Neri, wake up, it's already lunch" what? My gosh! Ang haba ng itinulog ko.

"Pwede bang ihatid mo na ako sa bahay? Hindi nila alam na kasama kita. I need to go home" sabi ko sa kanya.

"They already know that you're here. Tinawagan ko sila kanina"

Edi sya na prepared. Ayaw talaga akong pakawalan ng loko. Well, the feeling is mutual kase ayaw ko rin syang pakawalan.

Bumangon na ko sa pagkakahiga ko at pumunta sa lababo para mag mumog. Baka mamaya amoy kung ano pa ang hininga ko at salita ako ng salita. Naghilamos na rin ako at inabutan nya ako ng face towel.

Umupo na ako sa upuan pagdating ko ng dinning table. Nakakaantok pa rin pero keri ko 'to mamaya nalang ulit ako matutulog. Kinain ko ang hinanda nyang pagkain. Hindi ako umiimik habang kumakain. Feel ko lang hindi umimik. Trip ko lang, you know. Tsaka di kaya nya ako pinansin kanina diba nga kase? Nasa tampo mode nya. Edi sakyan natin.

Natapos kaming kumain at pumunta ako sa balcony ng condo nya. Umupo na rin ako sa isa sa mga silya nya don. Nagsindi ako ng sigarilyo at dun ko inubos yon. Masmasarap manigarilyo pag bagong kain. Nakasanayan ko na rin. Kumbaga, parang dessert na sa akin 'to.

Tumayo ako at humawak sa railings ng balcony. Pinakiramdaman ko ang simoy ng hangin. Medyo maiinit ngayong araw pero hindi naman sya gaanong nakakasakit ng balat. Nagsindi pa ako ng isa pang sigarilyo. Hindi ko feel ang isa lang, parang kulang.

Umti-unti kong naramdaman na may kamay na pumupulupot sa bewang ko. Hindi ko ito punansin at nagpatuloy lang sa pag hithit ng sigarilyo.

"Oy" bulong nya sa tenga ko. Patuloy lang ako sa paghithit ng sigarilyo ko.

"Tss" sabi nya sabay hablot sa sigarilyo kong mangangalahati palang.

Tiningnan ko naman sya at kinuha ang sigarilyo sa kamay nya. Ang bipolar talaga nito. Hihithitin ko na sana ulit ito ngunit kinuha nanaman nya.

"Ano ba yon?" Naiinis na tanong ko sa kanya.

"Dont smoke when you're with me" sabi nito.

Edi aalis ako pagmaninigarilyo ako para di nya makita.

Bumuntong hininga nalang ako ako at pumasok na sa loob. Manonood nalang ako ng cartoon. Nag brows ako ng channel at napunta iyon sa channel na ang palabas ay peppa pig.

O-M-Giiiiii!

Paborito ko toooooo!!

Tumabi naman sakin si Kiko. Yumakap nanaman. Parang unggoy e. Lingkis ng lingkis.

"Oyy" sabi nanaman nya.

"Bakit?" Tanong ko habang tutok na tutok kay peppa pig.

"Pansinin mo naman ako" sabi nya at siniksik ang mukha sa leeg ko.

"Ang clingy mo ngayon Kiko" sabi ko sa kanya at inalis ang mukha nya sa leeg ko. Tiningnan ko naman sya ng deretso sa mata.

"Bakit ba? May problema ba?" Tanong ko dito.

"Bakit ayaw mo kong pansinin?"

"Pinapansin naman kita ah?"

"Kanina mo pa ako hindi pinapansin"

"Guniguni mo lang yon Kiko"

"Tss" sabi nya at humarap na sa tv.

"Ayiiieeee~ Tampururot na baby ko~" sabi ko sa kanya at ako naman ang yumakap sa kanya. Niyakap din naman nya ako.

Bad HabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon