Chapter 2:

302 5 0
                                    

LQ

ZERO's POV

NaglalakAd ako sa hallway patungo sa room ko. Nang aksidenteng marinig ang dalawang lalaki na nag uusap. Medyo pamilyar sa akin ang boses niya. Kaya naman napagpasyahan kong pakinggan.

"Hndi. Hindi pwedeng malaman niya ang lahat. Sayang ang isang taon at siyam na buwan naming pinagsamahan." Boses ng pamilyar na lalaki.

"Pero Bro, mas masasaktan siya kung sa iba pa niya marinig iyon. P*ta pati kami madadamay sa away niyong dalawa."

Bubuksan ko sana ang pinto para malaman na nagkakamali lang ako. Pero may humigit sa braso ko at sinampal ako.

"Walang hiya kang babae ka. Ang lakas ng loob mong pumasok pakatapos mong ipakalat ang video namin ng jowa ko?" Hindi ako lumaban dahil hindi ko naman alam ang pinagsasabi niya. Namanhid ng tuluyan ang mukha ko nang sampalin niya ulit ako.

"Teka, wala ako---" naputol ang sasabihin ko ng tumama ang likod ko sa pader. Kaya naman nanikip ang dibdib ko sa sobrang lakas.

"Wala? Hah wala. Magdideny ka pang malandi ka.?" Natauhan ako sa sinabi niya at patuloy akong kinakalbo.

Hanggang sa makaramdam ako ng dalawang kamay na pumulupot sa leeg ko. Tila ba, sinasalo niya ang hampas na nanggagaling sa babae. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang.

"Pagsabihan mo 'yang malandi mong girlfriend." Sigaw niya.

Humiwalay siya sa akin at hinarap niya ang babae.

"Sa tingin mo, tatamaan siya kapag sinabihan mo ng malandi? Eh, sarili mo lang ang kinausap mo. Ikaw na mismo ang nagsabi sa harap mo." Malamig na sabi niya.

"Tandaan niyo ito, lalo na kayo, ang sinuman o kanino mang kamay ang lumapat sa mukha ng pag-aari ko, I will make sure, your life going to h*ll." Mas nagimbal ako sa lamig ng boses niya. Napansin ko na lang na hatak hatak niya ako.

Pumasok kami sa ice cream shop at nagorder ng dalawang cookies and cream na ice cream.

"Pasensiya na kasi, wala ako sa tabi mo kanina." Sambit niya. Hinawakan niya ang pisngi kong namumula gawa ng sampal ng babae. Ano bang video yun? Wala naman akong natatandaang may napanood akong video maliban na lang kung Insidious iyon.

"Hindi okay lang, kasalanan ko nam---"

"Kasalanan? Totoo bang painakalat mo ang video?" Umiling ako.

"Hindi naman pala eh. Bakit ayaw mong labanan yung mga yun? Natatakot ka na masira ang pagkapresedent mo? Yan ang hirap sayo eh. Hindi ka marunong lumaban." Aray sapul.

Mas lalo akong humikbi.

"Oo na, duwag ako. Hindi ako marunong lumaban. Kasi mahina ako. Dahil hindi ako kagaya nila na mababaw ang dahilan para magalit. Hinayaan ko lang siya dahil wala akong kasalanan. Hinayaan ko siya kasi ayoko siyang patulan. Ikasisikat ko ba? Ikayayaman ko ba? Ipagmamalaki na ba ako ng Mommy ko? HINDI. Oo sisikat ako pero sa maling paraan." Huminto ako dahil hindi ko na mahabol ang hininga ko.

Wala na akong paki kung pagtinginan na kami. Paki ba nila, nagdra-drama ako eh.

"Wag na muna siguro tayong mag-usap. Tsaka na kapag parehong malamig na ang ulo natin." Tumakbo ako hanggang sa makalabas ako ng campus.

Hindi ko napansin ang go signal at muntikan na akong masagasaan.

"Ano ba? Kung magpapakamatay ka, huwag kang mandamay. Tatanga tanga ka kasi." Binilisan ko ang pagtakbo. Napaiyak na naman ako sa sinabi ng driver.

Mas lalo akong nanlumo nang malamang hindi niya ako sinundan.

Napagpasyahan kong umuwi na lang at magkulong.

Hinanap ko ang videong sinasabi ng babae. Nagulat ako ng makita sa timeline ko ang video. Someone hack my facebook account. Nagpunta ako sa account setting ko, tinapat ko ang arrow sa general setting at dineactivated ang account ko.

Naglog in ako sa isa kong account na privacy, yung isa kasi, hindi iyon nakaprivate. Napangiti ako nang makita ang picture namin ng kababata ko. Siya namang pinangprofile ko sa laptop ko.

"Ma'am may bisita po kayo. Jeypee daw ang pangalan." Sigaw niya.

"Manang, pakisabi masama ang pakiramdam ko." Sigaw ko sa kaniya.

Nagtalukbong ako kahit mainit kasi giniginaw ako.

***

Nagising akong may mabigat na nararamdaman. I feel I have a fever. I check the time, its already 6:00pm na. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para uminom ng tubig at kumain.

"Manang, pakihipo nga po ako sa leeg." Utos ko.

Hinipo ni manang ang leeg ko.

"Naku, Ma'am may lagnat ka. Siguro kakaiyak yan no? Kaya pala sinabihan ka ng Daddy mong huwag iiyak ng matindi. Teka lang ho at ikukuha ko kayo ng gamot." Pumunta siya sa salas, bumalik siyang dala ang gamot.

"Ito ho inumin niyo Ma'am." Inabot niya sa akin ang gamot at ininom ko iyon. I mouthed 'thanks' at pinag handa niya ako ng makakain ko.

Lumabas ako para makapagpahangin. Kinabahan ako nang makita ang isang nilalang na lalaki ang nakatayo at nakahoodie, sa palagay ko sa direksyon ko siya nakaharap. Dahil ang lukuran lang ang natatamaan ng buwan. Naka eye to eye ko siya. Diba imposible? Dahil madilim eh kita pa rin. Iyon repleksyon ng buwan na tumatama sa salamin ng bintana namin.

Ang lungkot ng mga mata niya. Para bang sinasabing lapitan at yakapin ko siya. Lalapitan ko na sana siya, kaya lang......

Tumakbo siya palayo sa akin. Nakaramdam ako ng matinding lungkot.

I miss Him.

Sapul. Pakiramdam ko kulang ako ngayon. Pakiramdam ko nawalan ako ng isang bagay na sobrang mahalaga sa akin.

Pumasok ulit ako sa loob at dumiretso sa kwarto ko at muling umiyak.

Napagpasyahan kong huwag munang pumasok ng isang linggo. Nakiusap naman ako sa teacher kong lalaki na i-excuse muna ako. Mabuti na lang mabait siya at pumayag. Sinabi ko rin naman na may lagnat ako at sipon. Kaya walang alinlangan na pumayag si sir.

Maaayos pa ba ang relasyon namin? Nagsawa na kaya siya? sumuko na ba siya? Ewan, bahala na. Basta ang alam ko mahal ko siya at namimiss ko na.

Narinig kong nag beep ang cellpone ko at umaasang si Lei pero nadismaya ako ng mabasa ang pangalang Jeypee.

Hindi ko ito inopen. Bagkus binura ko na lang.

Inoff ko ang cellphone ko at pumikit.

'I want more'

'Sure'

'Yeehheey'

'Sana malalaki na tayo'

'Bakit naman'

'Para pwede na nating mahalin ang isa't isa'

'Don't pout'

'Hmm'

*chup*

(After 5mins.)

'See i told you'

------

Ooopppppsss

VOTES AND COMMENT LANG.

Marrying My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon