♛❤ Three❤♛
Mira:
"Mira naman!" At nagalit si ate Hira nang sabihin ko sa kaniya ngayon na—wala na siyang trabahong babalikan dun sa mga Ademar.
Tumango lang ako saka inubos lahat ng kanin na nasa plato ko. Ayst! Gusto ko ng matulog. Na-high blood ako sa antipatikong lalakeng yun.
Akala mo talaga kung sino na siya!
E, ano kung anak siya ng mayaman?
"Ate, tutulongan kitang maghanap ng ibang trabaho—'wag ka nalang dun. Tutulongan na rin kita sa pag-sa-sideline kahit paglalabada gawin natin." Tss! Naalala ko tuloy ang sinabi ko sa lalake na pati brief nito lalabhan ko—at namula lalo ang mukha niya sa galit.
Bumangon si ate Hira mula sa pagkahiga sa maliit na papag na gawa'ng kawayan. Maputla pa ito at malalim ang mga mata. Tapos na itong kumain nang makarating ako.
"Mira, hindi naman ako pinapagalitan dun sa mansyon. Tsaka, maiging kusinira nalang ako at ano ba'ng ginawa mo kasi? Bukas samahan mo akong mag-sorry dun sa mansyon. Alam mo naman na hindi ka pwedeng magtrabaho." Lumabi ako nang sabihin ni ate yun. Mabilis kong hinugasan ang pinag-kainan ko at kinuha ang tuwalya sa loob para maligo.
Mag-sorry na naman!? Ayst!
"Ayoko ko, ate. Sorry talaga pero as in—ayokong Makita ang mukha ng lalakeng yun na anak raw ng amo mo."
Yung tulis ng magandang mata niya 'pag nagalit..
Tsaka yung laki ng butas ng matangos niyang ilong 'pag sumisigaw?
At yung labi niya na kumikibot 'pag nanggigigil sa'kin?
Ayoko'ng makita yun! Ang hirap aminin dahil sa totoo lang talaga ang mukha't katawan ng lalakeng yun ay parang perpektong hinubog ng isang sculpture.
Pero kung itatanong mo naman ang ugali?
Kuhang-kuha talaga sa tiyuhin niyang nasa empyerno!
"Hindi kita tinatanong kung gusto mo o hindi. Sinabi kong samahan mo ako dahil yun ang dapat, Mira. Tsaka, may kasalanan ka—matotoo kang magpakumbaba sa kapwa mo." Hindi na ako umimik dahil hindi si ate hihinto 'pag patuloy ko siyang sinasagot ng pabalang. Suminyas nalang ako rito na maliligo na ako dahil ang lagkit-lagkit ko na.
"At siguradong malulungkot sina nanay at tatay niyan." Doon ako napabuntong-hininga. Saka ko binalik ang tingin kay ate na napako naman ang mga mata sa maliit na frame na nasa mesang kawayan.
Sina nanay at tatay tsaka kami. Masayang nagpi-picnic sa park—ilang taon na ba? Siguro mga sampung taon na ang nakalilipas mula nang sabay nila kaming iniwan.
Unang namatay si tatay dahil sa sakit sa puso—sumunod naman si nanay dahil inatake ng high blood.
At alam niyo ba kung sino ang muntikan ng sumunod?
Ako yun. Itinakbo ako ni ate sa hospital noon na walang kapera-pera. Hanggang ngayon hindi ko alam kung paano niya kinaya niya lahat..
Ang alam ko lang nagsakripisyo siya sa'kin—at hanggang ngayon. Kahit sobrang matigas talaga ang ulo ko—hindi ko gugustohing pasakitin ang ulo ni ate.
Kaya.. Napabuntong-hininga ulit ako. "Oo na. Babalik tayo dun." At sumagi na naman sa isipan ko ang mukha ng lalakeng yun na walang alam kundi ang sumigaw. "Pero lumuhod na ako kanina sa kaniya, ate. Hindi pa rin niya ako pinatawad ng mahal na hari—so goodluck sa'tin bukas.." Sabi ko saka tuloyan ng pumanaog sa labas para tumungo sa banyo namin. Nasa labas ang palikuran at nasa likuran ng bahay namin.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/n:
Dearest,
Are there anyone who's reading this?
Pls comment and share your thoughts.
I'd appreciate it!
That's my only prize from you.
Best regards,
-mimi-
-zecore-
BINABASA MO ANG
The Bad-Tempered Series 3: THE NOTORIOUS
Romance"I am not just a billionaire businessman but a notorious one. I loathe those people who keep on trying to tame the beast of me like this woman named--Mira Catimbag!" Yden Ademar. "Hindi man ako mayaman pero marunong akong lumaban. Kahit pa ang mala...
