Love Technology

119 1 1
                                    

-> Ito ay maaaring hawig sa istorya ng kakilala ng kapatid ng pinsan ng kaibigan ng kakilala niyo ngunit pawang hango lamang sa isang imahinasyon ang lahat...

ISANG BAGSAK LANG YUNG STORY. WALA LANG AKO MAGAWA NGAYON.SENSYA NA.

..it was during my youthful years, usong-uso ang "clan groups" sa bawat network ng simcard..

ang dami ko ng nakilala...

at doon ko unang naranasan ang umibig..

paano nga ba magiging posible ang magmahal ng isang tao na tila gawa lamang ng isang malawak at mapaglaro nating imahinasyon?

imposible man sa mata ng ibang nakatatanda, ngunit kung ikaw ay isang kabataan na naghahanap ng konting "thrill" sa buhay, magiging interesado ka makakilala ng ibang tao..

....at dito nagsimula ang istorya nina Steve at Josie

Sina Josie at Steve ay kapwa labinlimang taong gulang nang magkatagpo sa isang "clan" sa text. Noong una'y ayaw pa nga ni Josie sumali rito dahil sa tingin niya ay wala naman itong maidudulot na matino o kapakipakinabang sa buhay niya...

Consistent honor student si Josie at napapabilang siya sa mga "laking Private School" na klase ng estudyante, samantalang si Steve naman, bagamat mas may kaya sa buhay kumpara kay Josie, ay isang repeater sa mababang paaralan ng San Roque...

Naging magkaibigan ang dalawa sa panahong si Steve ay nagkakaroon na ng problema sa kanyang kasalukuyang nobya samantalang si Josie naman ay masaya't walang nobyo...Naging hingahan ni Steve si Josie ng kaniyang mga sama ng loob at ganun din si Josie. Hanggang sa umabot ang kanilang pagkakaibigan at ugnayan sa pamamagitan ng text sa loob ng tatlong buwan.

Nagpapaka gutom ang dalaga sa eskwelahan para lamang makapag load ito upang magkausap sila ni Steve. Unlimited talk and text yan! Powered by Suncellular! Kilig na kilig si Josie sa tuwing makakatanggap ng mensahe mula sa estrangherong binatang taga Maynila o di kaya'y sasagutin nito ang kaniyang mga tawag. Animo'y nasa alapaap sa tuwing maririnig ang boses ng binata. (echuserang frog)

Hindi ugali ni Steve ang mambola. Kaya naman nang magtapat siya ng damdamin ay kaagad ito sinagot ng isang matamis na "mahal na rin kita, matagal na!" ng kire! =D

Masaya sila sa isa't isa kahit hindi pa sila nagkikita. Palagay na palagay. Yung pakiramdam na matagal na sila magkakilala at ngayon lang pinagtagpo. Dama ng bawat partido ang pagkagalak.

Naging maayos ang takbo ng relasyon nina Josie at Steve. Pinakilala pa nga ni Steve ang dalaga sa kanyang pamilya at kaibigan nang minsan nitong iluwas ang probinsyana. Buong tinanggap ng lahat si Josie.

Hanggang sa isang araw......

Unknown: Ei, kaw vha z josi?                                Steve: Mhl q0h, my problema q

Josie: ???Hus dis???                                            Josie: Nu b un?

Unknown: squtn mho tn0ng q0h                            Steve: naalala m c marj?un ex q knwn2 q sau?

Josie: Eh cnu k b kc?                                             Josie: nung meron?

Unknown: So kaw nga?                                         Steve: nki2pgblikan kc skn...

Josie: Kng aq man, bkt?                                        Josie: oh tlg..eh bkt ngng prblma?nbuntis m b?

Unknown: mei 22ong gf bf mho..tigilan m xa!        Steve: hnd n0h..ngaalala lng aq sknya

Josie: pnu m nmn nsbi?                                         Josie: bkt b kc?

Love TechnologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon