Isang kwento na puno ng pag-ibig, pangarap, at aral. Mahaba ang kwento na ito lalo na sa mga taong lubos na nangangarap.
Nagsimula ang lahat sa walang-wala pero sa huli nakamit rin ang matagal ng pinapangarap. Matagal bago ito nakuha pero dahil sa tiyaga at pagsisikap nakuha rin ito. Para itong kwento ng Pagong at ang Kuneho. Mabagal ka man pero unti-unti mong nakukuha ang mga pangarap mo, dahil ang isang pangarap ay parang bituin na naghihintay para sa atin.
May mga bagay na tayo ay nagiging bigo. Pero sa bawat pagkabigo ay marami tayong natututunang bagay. Natututo tayong bumangon kapag tayo ay nadadapa.
Hindi lahat ng bagay ay minamadali, ito ay pinagtitiyagaan, pinaglalaban, at pinaglilingkod ito sa ating kinabukasan.Kahit sa pag-ibig hindi ito dapat madaliin, dahil ang pag-ibig ay nararamdaman hindi binibili, ipinaglalaban, pinagtitiyagaan at ito ay ipinagkakaloob sa TAMANG PANAHON.
BINABASA MO ANG
Sa Isang Pangarap
RomanceKwento ito tungkol sa isang babaeng maraming pangarap sa buhay, kahit na nawalay sa kanyang pamilya. Hindi naging madali ang kanyang pangarap sa buhay. Maraming pagsubok ang darating sa kanya upang mas maging matatag siya sa pag-abot ng kanyang mga...