Noong sinabi yon ni Chief Bernales ay para bang huminto ang ikot ng mundo. At tila bumagsak sa akin ang lahat ng mga ala-alang nawala sa loob ng ilang araw dahil sa sobrang pagod at pagkalito. Na parang nabawi ko ang lahat ng yon sa loob lamang ng ilang segundo, matapos marinig ang sinabi ng hepe. Kasabay nito ang pamumutla ng mukha ko at labis na pagkatulala.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Ayos lang po ako, Sir. Sige po, dito po muna ako." Sagot ko pa sa kanya.
Ngayon ko lamang naalala ang kamay na nahanap namin noong nakaraan. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa mga katanungan matapos ang lahat ng pangyayari—mula kay Tristan hanggang sa projector, o talagang nawawala na ako sa katinuan kasunod ng pagtanggap sa kasong ito.
Habang naglalakad papalayo sa crime scene ay tinawagan ko si Tamayo para papuntahin dito at tulungan ako panandalian dahil palagay ko ay unti-unti nang lilinaw ang malaking larawan ng imbestigasyon kong ito.
"Hello, Sir?" Pagsagot niya pa sa akin.
"Kailangan ko yung tulong mo ngayon, kaya bumyahe ka na papunta rito ASAP." Bilin ko sa kanya.
"Sig—sige po, Sir."
Matapos ang pag-uusap namin ni Tamayo sa telepono ay nagpalinga-linga ako sa paligid baka sakaling may mapapnsin akong kakaiba maliban doon sa bangkay at sa nagpapatuloy na kaguluhan ng mga pulis, medic at mga mamahayag na rumesponde roon.
Nagpatuloy lamang ako sa pagmamanman nang napansin ko na nakatayo ang babaeng nakabunggo ko kanina, di kalayuan sa kinaroroonan ko. Ganoon pa rin ang ekspresyon ng kanyang mukha at para bang may pinapahiwatig sa akin.
Sa muling pagkakataon ay tinangka ko siyang puntahan upang tanungin kung ano ang ibig niyang sabihin kanina. Ngunit gaya lang noon ay bigla na lamang siyang naglaho sa mga nagkukumpulang mga tao roon. Muli ay hinayaan ko na lamang at inisip na baka nagmamalik-mata lamang ako sa mga oras na ito.
----------
Matapos makuha ang bangkay ay dinala na nila ito para maipa-autopsy—para malaman kung ano ang pagkakilanlan nito at kung may ginawa pa ba sa kanyang iba, bago nagka-watak-watak ang kanyang katawan.
Pinanonood lamang namin ang paghahanda ng pathologist sa kanyang isasagawang autopsy. At nang hinubad nito ang t-shirt ng biktima ay may napansin kaagad ako sa kanyang katawan.
"Teka, Chief. Parang may nakita na akong ganito noon..." Sabi ko pa habang tinuturo yung tattoo sa likuran ng biktima.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong pa ni Chief Bernales sa akin.
"Natatandaan niyo pa ba yung tattoo ni Tristan sa bandang likod noong kinuha siya ng mga rumespondeng medic? Ganoon na ganoon po ang tattoo niya, hindi ako pwedeng magkamali." Giit ko sa kanya.
"Teka..." Sabi niya pa habang hinahalughog ang suit-case na dala-dala niya.
Agad niyang kinuha ang isang envelope na naglalaman ng mga larawan ni Tristan na kinuha matapos siyang magpa-tiwakal. At ang mga larawang ito mismo ang nagbunyag sa buong hinala ko. Magkaparehong tattoo nga talaga ang tinutukoy ko—isang leon na nasa ilalim ng mga sinag ng araw.
BINABASA MO ANG
Ang Pagkawala Ni Teresita Gomez
Misterio / SuspensoSi Teresita Gomez ay ipinanganak sa isang simple ngunit marangyang pamilya. Bagama't maayos ang kanyang pamumuhay ay may mga patong-patong na problemang dumating sa kanya. Dahil dito, napagpasyahan niya na munang umalis upang nang sa ganoon ay makap...