FY-I

45 1 2
                                    

Chapter I

Just take it

AJ's recording company had just released her new album entitled 'Way home' ...

Napakasikat na ni AJ pero hanggang ngayon ay napaka'private niyang tao. She's phenominal yet mysterious.

"Watching again?" Nabigla ako ng biglang may tumabi sakin at inakbayan ako. Prixy.

"Wala akong alam gawin, best." she snorted

Nasa apartment lang naman kasi kami. We decided to rent an apartment para mas malapit sa school na pinapasukan namin. Living under the same room ang peg namin.

Si Princess Xyrell Montano a.k.a Prixy ay ang aking bff simula highschool. Para nga kaming kambal nito e.

"Ang sikat niya na no?" Huh?

Napansin ko nalang na pinapanood niya yung flash news tungkol kay AJ. Yung sikat na singer pero hindi lumalabas sa publiko. Boses niya pa lang ang naririnig ng marami pero marami na siyang tagahanga.

"Oo." Yun nalang ang nasagot ko.

"Boses palang yan no? Wala pang mukha." Umiiling iling pa siya habang mataman na nakatingin sakin.

Hindi ko nalang siya pinansin sa paninitig sakin at tumayo sa pagkaka upo para magluto na sa kusina.

I started humming a song while cooking. Busy'ing busy ako sa pagluluto ko nang biglang sumigaw si Prixy na nasa sala.

Sa pagkataranta ko bigla kong binitiwan ang kutsilyo at tumakbo papunta sa sala.

Akala ko may magnanakaw o akyat bahay gang yun pala na'feature lang sa t.v. yung crush niyang si Limwell Escuetta. Hayy.

Schoolmate naman namin siya e. Ewan ko ba sa lukaret na ito.

Kinuha ko yung throw pillow at binato ko sa kanya. Sapul!

'Aish. Problema mo?" inis na hinarap ako at kakamot kamot pa ng ulo. "Ang sakit nun."

"Gaga. Kala ko kung anung problema mo kung makatili ka parang na'snatch'an ka! Si Limwell lang pala." tuluy tuloy na sabi ko sa kanya.

"Alam mo kasi Alyssa Jimenez, hindi mo alam ang feels kasi wala kang care. Kahit na schoolmate natin yan, madalang natin makita. Top notcher kaya siya sa list ng mga crush ko! Hihi." Oo, huwag na kayong magtaka. Talandi ang babaeng yan.

"Ewan ko s'yo." at bumalik na sa kusina para magluto.

Stress na stress ang bangs ko ngayon kase naman po hell week na namin. 3rd year college na kami taking up BSCE. Classmate kami ni Prixy sa kadahilanang ayaw namin malayo sa isa't isa.

"Wooo. Nakita mo ba siya?" bigla akong kinalabit ni Prixy na kasalukuyang umiikot ang mga mata na para bang may hnahanap.

"Huh? Sino?"

Hindi ko naman kasi talaga alam ang pinagsasabi ng lukaret na'to.

"Si Mike Robles. Yung varsity player! Yung hot na may 8 packs abs! May ghad. Best, nakita mo ba siya?" binatukan ko nga siya. Ang talas ng paningin sa mga gwapo e.

Yung mata niya parang mata ng lawin. Alertong alerto para sa mga prey niya.

Kilala ko yung Mike Robles na sinasabi ni Prixy. Kaklase ko siya sa isang subject. May itsura nga siya pero di ko type mukha kasi siyang babaero. Player.

"Hindi. Oorder lang ako."

Naiiling nalang ako minsan sa mga inaasal ni Prixy. Nakikita mo lang na marami yang crush pero napaka conservative niya. At doon sa part na yun kami nagkakasundo ni Prixy. Pareho naming pinapahalagahan ang sarili namin.

Pipila nalang sana ako ng biglang may bumunggo sakin dahilan para mapaupo ako sa sahig.

Napangiwi ako ng maramdaman ang kirot sa pwetan ko. Napuruhan ata?

Agad akong dinaluhan ni Prixy at inalalayan akong tumayo. Ang bilis naman ng babaeng to. Pag angat ko ng ulo ko, nalaman ko kung bakit.

Si Limwell Escuetta lang naman ang nakabangga sakin at sa likod nito ay si Mike Robles na matamang nakatingin samin.

"I'm sorry. Didn't mean to." sinabi niya yun pero hindi sakin nakatingin kundi sa... sa damit kong natapunan pala ng juice. Hayy.

"It's okay."

pasimple naman akong kinukurot ni Prixy sa likod. Ang gaga kinikilig nanaman. Psh, buti nalang may extra damit ako sa locker.

Hinawakan ko sa kamay si Prixy para tigilan na niya ang pagkurot sakin at hilahin siya.

Nagbibihis ako nang bigla nalang magtitili ang babaeng lukaret slash gaga slash maraming crush slash Prixy.

"Oh-my-gosh! Si Limwell at Mike! Gaga! Yung mga crush ko! OMG." may pa hawak hawak pa siya sa dibdib na animo ay hindi makahinga. Parang nawawalan ng hininga e.

Bigla siyang nangisay at sabay sabing, "I'm gonna.. I'm gonna die."

Humagalpak ako ng tawa sa ginawa niya. Ang cute niya kasi na ewan. Tawa lang ako ng tawa habang siya ay nangingisay parin. Tapos nadin namn akong magbihis kaya tinitignan ko lang siya.

"Nasaktan na nga ako, nakuha mo pang kiligin." umiling nanaman ako habang nakikita kong ngising aso nanaman siya. "Akala ko concern ka kaya ka nandun pero tsk. dahil pala kay L & M." kunyare nagtatampo ako. Natatawa ako kaya lang pinigilan ko dahil nagtatampo nga ako.

Lumabi naman siya sakin. "Concern naman talaga ako e. Kaya lang si L & M kasiiii." bigla nanaman siyang tumili. Kailan kaya sya titigil sa mga tili niya?

"Tara na nga. mal'late na tayo." nakaramdam naman ako ng  gutom. Hindi nga pala kami naglunch.

"Kay. Pero gutom ako kaya bibili muna tayo ng sandwich." kaya love ko tong babaeng to e. Alam niya kung kelan ako gutom. Haha

Pagkalabas namin ng locker ay nagulat ako ng biglang may nagsalita.

"Here." sabay extend ng kamay niya at inabot sakin yung dalawang sandwich na hawak nito.

Tinignan ko siya gamit ang nagtatanong kong mga mata.

"Just take it." sagot naman ni Limwell kasama si Mike na nasa likod uli ni Limwell.

Hindi ko kinuha bagkus tinanggihan ko ito. "No need. Ayos lang." tinignan ko si Prixy na parang mamamatay na dun sa kinatatayuan niya sa sobrang pagpipigil ng kilig. Lukaret talaga. "Let's go, 'cess."

pero parang walang narinig kaya instead na umalis lumapit siya kay Limwell at kinuha yung sandwich.

"Para san daw 'to?" minsan talaga hindi ko magets ang tumatakbo sa isip ng babaeng to.

"Cess! Nakakahiya. Ibalik mo yan." utos ko kay Prixy pero hindi naman ako pinakinggan kaya humarap nalang ako kay L&M. "Pagpasensahan niyo na." tumingin ulit ako kay Prixy pero this time medyo masama na. I mouthed Isoli mo yan sa kanya at mukhang natakot naman kaya isinoli niya.

They both heave a sigh: Limwell and Mike.

"Pasensya sa abala. Let's go 'cess."

At umalis na talaga kami. Nakakapanibago naman yun. Alam ko namng parang peace offering yun pero okay lang talaga dahil hindi namn ganun kalala ang nangyari. It's a mere  accident.

No harm done pero masakit talaga ang pwetan ko..

Fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon