Chapter 9
Kakatapos lang ng training ko sa company ng nakaramdam ako ng gutom. Yah! Nakakapagod din kayang makinig at intindihin lahat ng sinasabi ni Dad. Puro business business. Wala ng iba puro business, pero infairness ha! hindi ako naboringan kanina. Medyo interesting kasi...
Nagpaalam ako kay Dad para magdinner atsaka lumabas na ng building. Hinatid naman ako ng driver namin sa restaurant na sinabi ko.
"ZyBee grill? San po yun?" Tanong ni manong.
Anong ZyBee grill? Oh shit!
"I mean, sa Tea Cup Resto na lang." Agad kong sinabi.
Tumango naman siya at pinaandar na ang kotse. Napabuntong hininga ako, bakit ZyBee grill yung nasabi ko? Naman! Baka na last restaurant syndrome lang ako. Tsk. Tsk.
--
After 10 minutes..
Siyempre di pa kami nakakarating noh! Medyo malayo kasi yun.Tinignan ko ang cellphone ko kung may message ba o wala. Oh! Wala! 7 pm pa lang naman pala..
Nagulat na lang ako ng biglang nagpreno ng pagkalakas lakas si manong. Nalaglag yung cellphone ko pati bag ko, pati ako nalaglag. Leshe!
"Manong, dahan dahan naman ho!" I said while picking up my things.
"Maam, may itim na pusa po kasing tumawid eh!"
"Weh? Nasa highway tayo! May pusa? Tsk." Kinuha ko ang phone ko sa ilalim at ang bag ko, pati na rin ang mga laman nito tapos umupo na ulit ako.
"Ewan ko nga rin po eh, basta itim na pusa po yung nakita kong tumawid." Dagdag explain pa ni manong.
Shit lang, kinilabutan ako bigla. Ano nga bang ibig sabihin ng itim na pusa? May hindi magandang mangyayari? Watdahil! Wala naman sana. Tsaka di naman totoo yan!
"Hay nako! Sige na, nagugutom nako." Mejo may pagkamaldita kong utos.
Pinaandar na ulit ni manong ang kotse.
After 10 min. ulit...
Siyempre nakarating na kami, dali dali akong bumaba ng kotse dahil kinikilabutan ako sa driver namin.
Pumasok ako sa loob ng restaurant at umupo sa two seaters na ang upuan ay parang tea cup. Favorite resto ko kasi 'to, you know, may restaurant na, may bar pa, oh diba! Minsan nga gusto ko din magtayo ng ganto kaso lang baka sabihan akong imitator ng nagmamayari. Balita ko kasi college student din ang nagmamayari nito like me. Wapakels na nga.
Tinignan ko ang menu at inisa isa ko ang dinner section. Well, masasarap ang mga pangalan pero wala 'tong pinagkaiba sa paborito kong pasta. Alam kong di yun pang hapunan so chicken churva na lang ang inorder ko.
Lumapit yung waiter na di kagwapuhan at kinuha ang order ko.
So, habang naghihintay ay ako'y nagmuni muni. Kung tinatanong nyo man o hindi, i just want to share it para makilala nyo naman ako diba. Sanay na sanay na sanay at palagi akong nagdidinner, breakfast, lunch magisa except for my family. Pero yun bang ano.. may kasama kang special someone, yung yayayain kang magdate sa isang romantic restaurant eh hindi ko pa naranasan EVER! Nag disi otso na lang ako wala pa ring nagyayaya sakin samantalang nabasa ko sa reader's digest na when you turn 17 eh makikita mo na daw ang soulmate mo! Oo daw! Eh lampas 17 nako, mag na19 na nga ko next month to the power of 8 wala pa rin. Ang daya diba? Pero baka napospone lang yung sakin ng 1 year.
Back to reality tayo..
Wala pa rin yung order ko. So, naghintay ako ng ilang minuto, minsan iniikot ikot ko ang mata ko kung san san, tas nung mapatingin ako sa entrance eh biglang lumaki ang dalawang mata ko.
Bakit hindi? Eh nandito si Thea, at kasama pa niya si Zyron! Watdahel? Bakit sila nandito? Ah! Shit, paborito nga pala naman 'to ni Thea at dito kami nagdidinner tuwing sunday. Ba't di ko naisip yun? Waaaaah! Anong gagawin ko?
Sakto namang dumating na yung order ko, nasa harap ko yung waiter kaya hindi ako nakita nila Thea nang pumasok sila, malapit kasi ako sa entrance, dalawang table bago ang sliding door ng resto nato.
Umalis na yung waiter at nagbuntong hininga ko ng nakita ko silang pumasok at pumwesto sa romantic house ng resto. So, it's they're date.
Hindi ko na sila pinansin at binilisan ko na lang kumain, buti nga hindi ako nabilaukan. Pagkatapos kong kumain eh nagc.r muna ako.
Habang naglalakad ako papuntang c.r eh napahinto ako sa tapat ng romantic house, tinignan ko si Thea at si Zyron na masayang naguusap at nagtatawanan pa. Hayy! Aaminin kong hindi pa naging ganyan kasaya si Thea. Kahit nung sila pa ni Patrick, akala ko si Patrick na talaga ang para sa kanya kasi umabot sila ng dalawang taon, akala ko lang pala yun.
Aalis na sana ako pero may bumangga sakin. Tae lang! Natatae na siguro yun. Psh! Nalaglag tuloy bag ko. So, pinulot ko ang bag ko at inayos ko ang sarili ko.
Ano ba yun. Di man lang nagdahan dahan. May tao siyang nabangga di man lang nagsorry! Psh!
Nang tumama naman ang tingin ko kila Thea eh biglang sumikip ang dibdib ko. Agad naman akong umiwas ng tingin. Shit! What was that?! Bakit nahihirapan akong huminga? What's happening to me?
Dumeretso ako ng C.R at humarap sa salamin. Tinitigan ko ang sarili ko. What's with you Dennise? Ano yang nararamdaman mo? You shouldn't be like that! Aaaaah! Ano baaaa~
Naghilamos ako at agad na pinunasan ang mukha ko. Dali dali akong lumabas ng c.r, at sa huli eh nagawa ko pa ring sumilip sa romantic house ang then there's Thea looking at me.
"Dennise!" Rinig kong tawag niya.
Hindi ko siya pinansin at tumakbo nako palabas ng resto. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang ganitong pakiramdam. Aaaaah! Nakakainis naman eh! Why am i running? Hindi ko alam. Sakto naman ang pagdating ni manong, agad akong sumakay ng kotse at umuwi.
The picture of what happened earlier flashes on my mind.
Why did i feel hurt when Zyron kissed my bestfriend? Meeh.
BINABASA MO ANG
I'll Fall for You (ON HOLD)
Teen FictionThe worst pain in love is when your falling ALONE.