He's Worried

2.4K 128 7
                                    

NAMATAAN ko si Chase na nakahiga sa ilalim ng puno. Nakapikit. Nakapasak sa magkabilang tainga ang ear phones. Sa tingin ko'y nakikinig siya ng music na nakakonekta sa cell phone niya na nasa bulsa ng pantalon. Lalapitan ko sana siya pero naengganyo akong pagmasdan ang kalmadong aura niya na malimit makita ng sinuman. Napangiti ako.

Umupo ako sa stone bench at inilabas ang sketchbook at drawing pencil ko sa bag. Sinimulan ko siyang iguhit. Patigil-tigil ako sa pag-drawing kasi hindi ko maiwasang pagmasdan lang siya. His face serene habang marahang inililipad ng hangin ang buhok at shirt niya.

Mayamaya ay tuluyan na akong napatigil sa pagguhit nang lapitan ng galit na galit na si Paul si Chase. Paul was Kiro's classmate and one of the brightest students in MVU.

"Chase Mondragon!"

Napatayo ako nang marahas na tinanggal ni Paul ang pagkakapasak ng ear phones kay Chase.

"Tarantado ka! Nang dahil sa 'yo, na-suspend ako!" nanggagalaiting bulyaw ni Paul.

Na-suspend si Paul?

Parang napipilitan pang bumangon si Chase sabay ngisi. "It's not my fault if I caught you stealing the answer sheets. Next time kasi, galingan mong magnakaw para 'di ka mahuli. Actually, matagal ko nang alam ang itinatago mong baho. I was bored kaya inilabas ko na without them knowing na ako 'yong nakahuli sa 'yo. Pero ang galing mo, ah. Nalaman mo pa rin."

Napasinghap ako.

"Gago ka!" Akmang susuntukin ni Paul si Chase pero mabilis akong nakalapit at pumagitna sa kanila.

"Tama na 'yan!" saway ko.

"Huwag kang mangialam dito!" Tinulak ako ni Paul at nasubsob sa damuhan.

"A-aray..." nakangiwing daing ko. May maliliit na bato sa parte kung saan ako bumagsak. Napatingin ako sa braso ko. May gasgas ito.

Pero ang hindi ko inaasahan, dinaluhan ako ni Chase. May bahid ng pag-aalala ang mukha niyang tumingin sa akin. Nag-aalala siya... Nag-aalala siya sa 'kin!

"Namumuro ka na talaga sa akin, gago ka," dinuro ni Paul si Chase. "Noong una, inagaw mo ang girlfriend ko. 'Tapos, ito naman? Salot ka talaga dito, eh. Napaka-unfair na hindi ka nae-expel por que isa ang pamilya mo sa may-ari ng school na 'to."

"Hindi ko kasalanang nagkagusto sa 'kin ang girlfriend mo. Pinatulan ko lang. 'Not my fault if you're a sore loser and a big fraud, Calderon."

"Magbabayad ka. Babalikan kita, tandaan mo 'yan!"

"I'll wait for it." Chase smirked.

Pinetserahan kami ng alis ni Paul.

Saglit na namayani ang katahimikan. Nahuli kong napatingin si Chase sa nagasgasan kong braso. Tinakpan ko 'yon. "'Wag kang mag-alala. Gasgas lang 'to. Malayo sa bituks." Tumawa ako. But I'm glad that you're worried for me, nais ko sanang idugtong.

Parang napasong lumayo siya sa akin at nahimasmasan. Naging blangko ang mukha niya. Tumayo siya at tinalikuran ako. "Sa susunod huwag kang mangingialam." Lumakad na siya paalis.

Kinikilig pa rin ko. Nangingiting sinundan ko ang papalayong bulto niya. He gave me warning and yet he was worried for me a while ago?

Lalo akong napangiti. 

MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon