One Shot Story

3 1 0
                                    


  Naranasan mo na bang mainlove? Mahirap diba? Lalo na kapag one sided love lang. Pero mas mahirap yung ma-inlove ka ng patago sa bestfriend mo. I'm suffering in one sided love. Katulad ng iba I have my first Boy Bestfriend. Kasi sya ih! Ang landi nya! Yan tuloy napilitan akong maging kaibigan nya.

Ang sarap lang sa feeling yung may nag aalala sayo. Yung may nanlilibre sayo kapag naubusan ka ng pera. Yung may magcocomfort sayo kapag may problema ka. Ang sarap lang sa feeling na kahit wala kang boyfriend may isang taong nakakapagpasaya sayo higit pa sa isang characteristic ng isang tunay na boyfriend.

Naalala ko pa nung nakilala ko sya. Transferee sya sa school. We're both senior high school and same grade 11. Nung una diko sya pinapansin kasi malakas yung kutob oo na beklush sya. Naalala ko pa yung kaibigan ko non na bakla ini-stalk sya sa facebook. Yung isa ko namang kaibigan eh crush na crush sya.

Then one day, may groupings non. Sumali sya sa grupo namin. Sa unang tingin aakalain mong snobber sya pero hindi, napaka friendly nya. Yung kaibigan kong crush sya? Ayon tuwang tuwa kasi tumabi sakanya.

Naalala ko pa non nung kinukuhaan ko sya ng stolen pics para maipakita sa kaibigan ko. Tapos ang hilig nya mag charge nun kasi andami nyang ka chat kasi pogi sya. Tas lagi syang pumupunta sa side namin para lang mag charge.

Una ko syang naka usap nung pinabantay nya yung phone nya saken kasi katabi ko lang yung socket non so nag oo naman ako. Maya maya, pumunta sya sa likod at tumabi sya saken. Alam mo yung di kami magkakilala pero kung kausapin nya ako parang tagal na naming magkakilala.

Tapos nagpapicture sya saken. So natuwa naman ako kasi first picture namin yon. Dun na nag start na naging magkaibigan tayo. Ako na lagi yung kinakausap nya. Close nya na din mga kaibigan ko pero mas malapit sya saken.

Maraming araw yung lumipas papicture sya ng papicture saken so dumadami ng dumadami yung picture namin together. Ang sweet namin sa isa't isa. Alam nyo yung kung titignan kami parang may namamagitan dahil sa sobrang sweet namin.

Isang araw binilihan nya ako ng favorite nyang cloud9 overload tas sinulatan nya ng pen touch ng "for my best girl bestfriend" so natuwa naman ako non. Then kinabukasan binigyan nya naman ako ng skyflakes tas may drawing na puso tas may arrow. Tinabi ko lahat ng binibigay nya saken.

Nag exchange din kami ng mga bench towels. Tapos lagi kaming sabay mag recess, mag lunch. Naalala ko pa na ang daming grade 8 na nag kaka gusto sakanya at laaht yon naging kaaway ko dahil galit sila saken kasi lagi tayong magkasama.

Nasa hallway kami non nakatambay lang tas yung building namin building ng grade 8 yung katapat so kitang kita kami nung mga batang nagkakagusto sakanya tapos alam nyo ba yung ginawa nya? Kiniss nya ako sa cheeks tas niyakap nya ako.

Na freeze ako ng ilang second non hanggang sa nakaramdam ako ng hiya at biglang napapasok sa room. Sinundan nya naman ako habang tumatawa sya. Inangat ko yung ulo ko at bumulong sakanya, "ikaw yung unang lalaking nag kiss sa cheeks ko" tinitigan nya lang ako non tas ngumiti sabay kiss ulit sa cheeks ko.

Sabi nya saken wag ko na daw ipapahalik yung cheeks ko sa iba kasi para lang daw sakanya yon so nag oo nalang ako. Di ko namalayan na mahuhulog na pala ako. Ang sarap sa feeling ma-inlove sa taong nag aalaga sayo.

Palagi kaming napapagalitan ng teacher namin sa oral com kasi lagi syang naka akbay saken sinasabi sakanya ng teacher namin na "mamaya na manh ligaw!" Kaya nagtatawanan naman kami. Yung mga peste naming kaklase? Ayun parang mga tae "ayieeeeeeeee" yang ayieee na han din ang dahilan kung bat ako na fall.

Lumipas pa yung ilang months. We are celebrating our 3rd friendsarry. Taray may pa ganon kami no hahahaha. Nag eexchange kami ng gifts non. Then one day dumating yung kinatatakutan ko. . . Ang ma fall sya sa iba.

The first one who falls, losesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon