Kabanata 24
Familiar
“Kailan ka babalik, ate?” tanong ni Makki sa akin. Kumakain kami ng lunch at binanggit ko na sa kanya ang pag-alis ko maya-maya papuntang Cagayan de Oro.
Nagkibit ako ng balikat. “I don’t know. Depende kay Felix,” sabi ko. “It’s only for a few days, hindi naman siguro kami aabot ng dalawang linggo doon.”
Mariin ang pagtitig sa akin ni Makki. Nanlilit ang mata niya sa akin habang ngumunguya.
“Bakit?” Nagtaas ako ng kilay.
“This is just so sudden. Are you doing this because of kuya Basty?”
Nanlaki ang mata ko. Hindi ko akalaing iisipin niya iyon. “Bakit ko ito gagawin dahil sa kanya?”
“I don’t know, because you’re avoiding him?”
I sighed. “This is work, Makki. Hindi ko iniiwasan si Basty. And I don’t need to do that because I think he won’t even come and see me. Break na kami.” Humina ang boses ko.
Bumaba ang tingin niya sa kamay ko, sa kamay kong may singsing. Kanina ko pa napapansin ang pagtingin niya doon. Alam kong alam niya kung kanino galing ang singsing. Damn, bakit kasi hindi ko na lang ito alisin?
“How did you know? Baka pumunta iyon dito tapos wala ka, ate.”
Umiling ako. “Hindi iyon pupunta dito. At kahit narito ako, anong pag-uusapan namin kung sakali?”
“Tungkol sa inyong dalawa, iyong problema niyo, him taking you back. Sasabihin mo ba sa kanya na aalis ka?”
Kumunot ang noo ko. Parang siya ang kuya ko at ako ang nakababata niyang kapatid kung pagalitan ako. “Alam mo ba ang konsepto ng break-up, Makki? Break-up means everything is over, wala na, kaya bakit ko iyon sasabihin sa kanya?”
He exhaled violently at umiling-iling pa. “You’ve done this before, ate. Nag-way pero sa huli, nagbati rin naman kayo.”
Napakurap-kurap ako. Uminom ako ng tubig at hindi kaagad nakasagot. “Iba ngayon.”
Hindi na siya umimik. Napalit na ang topic at hindi na namin pinag-usapan pa ang tungkol sa amin ni Basty.
Nakapagpaalam na rin ako kay mama na pupunta akong Cagayan de Oro ngayong araw. Nagulat siya dahil hindi niya akalaing gagawin ko iyon gayong ang iniisip niya’y nagbati na kami ni Basty. Hindi niya alam na nag-away ulit kaming dalawa, and this time we really did break up. Hindi ko na binanggit iyon sa kanya, because I know she will just get worried, at kagaya ni Makki ay iisipin niyang ginagawa ko ‘to dahil iniiwasan ko si Basty. Naisip ko kung nandito lang siya ay isasama ko siya sa amin ni Felix doon.
I packed light. Isang maleta at shoulder bag ang dala ko. Tinutulungan ako ni Mara sa pag-aayos nito at paglagay sa aking bag. Hindi ko siya inutusan pero nang naabutan niya ako sa kwartong ginagawa ito ay nagpresinta siyang tumulong dahil aniya’y wala naman siyang ginagawa sa oras na ‘to. Alas tres na at sabi ni Felix ay alas kwatro ay narito na siguro siya. Ang flight na nakuha niya ay alas sais. Hindi naman ako nagmamadali pero hinayaan ko na lang si Mara sa gusto niya.
“Salamat, Mara,” sabi ko at nginitian siya.
She smiled back at me pero ramdam ko ang pagkahiya niya sa akin. Tumikhim siya at naramdaman ko ang gusto niyang magsalita pero nagdadalawang isip kung itutuloy. Nagtaas ako ng kilay sa kanya.
“Masaya akong nakakangiti ka, ma’am,” aniya.
Tinagilid ko ang ulo ko at medyo hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin.

BINABASA MO ANG
Playful Melodies Book 2: Precious Miracles
RomanceJust as soon as Macy and Basty are starting to write their ending, unexpected things are also starting to hinder their happily ever after. Akala nila'y tapos na ang mga problema, tanggap na si Macy ng pamilya ni Basty, unti-unti ay natatanggap na ng...