Dilim

4 0 0
                                    

"Uy pre sige babye na. Uwi na ako ingat sa inyo pauwi ha!" Paalam ni Jon sa kanyang mga tropa. Siya ay papauwi na galing sa kanilang lakad na magtotropa. Masaya ang araw na iyon. Lahat ng bagay na gusto nila ay nagawa nila. Sila ay naglaro,kumain at kung ano ano pang gawain ng isang binatang lalaki. Pagkauwi niya ay nagbihis siya at nagpunta sa kanyang silid. "Ano ba yan. Magisa nanaman ako. Ano nanaman gagawin ko sa buhay ko. Ang ibang tao napapasaya ko pero sa sarili ko di ko magawa. Lagi nalang bang ganito. Lagi nalang ba akong magpapanggap na masaya kahit hindi. Kelan ko ba tatanggalin ang maskara sa aking mukha na masaya pero pagkadating ng bahay ay tatanggalin din naman." Sinabi niya sa kanyang isip. Ang kanyang silid ay sobrang dilim tila di maanigan ng araw at buwan. Siya ay laging nakaearphones at nakikinig lang ng malungkot na tugtugin mula sa kanyang cellphone. Binubuksan niya lagi ito na may hinihintay na may kumausap sa kanya. Pero wala. Feeling niya hindi siya pinapahalagaan ng kanyang kaibigan Ang mga tropa niya naman ay busy sa mga gimik nila pero si Jon ay di sumasama rito dahil ayaw ang mga trip nila. Kadalasan ang kanyang mga tropa ay nagbibisyo tulad ng sigarilyo at alak pero si Jon ay umiiwas dito.

Kinabukasan... Pumasok siya ng paaralan. Nakita niya ang kanyang mga tropa pero sila ay papaalis din para magcutting ngunit hindi sumama si Jon dito dahil iwas na iwas siya sa mga gawaing ganon dahil isa siyang honor student sa kanilang paaralan kaya't ayaw niyang masangkot sa mga ganitong bagay. Kaya't naiwan siyang magisa sa klase. Umabot ang ilang oras at lunch break na nila. Wala siyang masamahan. Pero may nakita siyang isang babae na bago nilang kaklase. Nung una nahihiya siyang tanungin ito pero sa kinaulanan ay naglakas loob din siya dahil naawa siya sa babaeng iyon at wala rin siyang kasama. "Hi new student ka dito diba?" Sinabi niya sa babae. "Ay oo hi! Ako nga pala si Madison. You can call me Madi  for short." Sabi ni Madi. " Oo nga eh parang wala ako sa klase kanina hahaha" sabi ni Jon. "Ay sorry nakalimutan ko. Oh bakit wala kang kasamang kumain eh matagal ka na dito." Sabi ni Madi. "Umalis kasi sila eh. Naiwan akong magisa tapos nakita kita eh naawa ako sayo kasi magisa ka lang and kailangan mo rin ng new friends aka bagong kokopyahan joke lang hahahaha." Sabi ni Jon. " Kokopyahan talaga ha. Hahaha. Pero sige na nga. Hi Jon!" Sabi ni Madi.

Pagkatapos noon ay naging magkaibigan na silang dalawa. Medyo napaiwas si Jon sa kanyang mga tropa dahil nagkaroon siya ng bagong kaibigan. Lagi silang magkausap ni Madi kahit saan kahit sa school o sa cellphone pa. Dumating ang maraming buwan na sila ay magkaibigan. May naramdaman si Jon na kakaiba kapag kausap niya si Madi "Nako po! parang may nararamdaman na ata ako sa kanya." Sabi ni Jon sa kanyang isip. Sa lagi nilang paguusap ay onti onti na niyang nagugustuhan si Madi.

Nung dumating ang mid year party nila. Nagkaroon siya ng pagkakataon na sabihin ang nararamdaman niya sa ka kanya. Naunang dumating si Jon. Maayos ang kanyang kasuotan di katulad ng normal niyang porma na tshirt at shorts lang. Naghihintay siya sa isang upuan at nagiisa lamang. Hanggang sa dumating si Madi at nakita siya. "Uy nandiyan ka na pala. Magisa ka nanaman ha. Hinihintay mo nanaman ako ha." Sabi ni Madi kay Jon. "Ha? Hindi kaya. Pero sige na nga pwede na para samahan mo ako haha" sambit ni Jon. At ayun yung gabing di niya makalimutan. Hindi dahil magkasama sila. Kundi may nangyaring bumiyak sa puso ni Jon. Silang dalawa lang ang magkatabi habang lahat ng mga estudyante ay nagsasaya habang tumutugtog ang masayang musika. "Uy Madi may sasabihin ako sayo pero hindi ko maintindihan pano ko sasabihin ito." Sabi ni Jon. "Ano yon? May gusto ka sakin noh? Ayieeeee." Sabi ni Madi. Tumigil ang mundo ni Jon. " Ah. Ayun na nga. Ayang sabi mo. Ganon nga." Pautal utal na sabi ni Jon. Nagulat si Madi dahil kala niya may ibang gusto si Jon. Tumahimik ng saglit at sinabi ni Madi. "Sorry Jon kung masasabi ko sayo ito. Pero sorry hanggang kaibigan lang kita. Alam ko namang mabait ka,matalino at masayahin pero sorry talaga hanggang kaibigan lang kita". Sinabi ni Madi kay Jon ng malungkot. "Pero... Pero pwede naman ako maghintay diba?" Sabi ni Jon na may kirot sa puso. "." Sabi ni Madi kay Jon ng naiilang.

Umuwi si Jon ng malungkot. Umiiyak sa madilim niyang kwarto. Akala niya okay na ang saya na nararamdaman niya pero panandalian lang pala iyon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kinain na siya husto ng kalungkutan niya. Isang buong gabi siyang umiiyak at di makatulog ng maayos. Hanggang sa pag pasok siya ay malungkot. Hindi makausap. Hindi aktibo katulad ng dati. "Eto nanaman ba ako paulit ulit nalang? Laging magisa. Laging malungkot. Laging naghahanao ng atensiyon sa iba lagi nalang ba ako maghahabol?" Iniisip niya sa kanyang sarili. Umuwi siya ng bahay. Magisa siya sa bahay dahil wala ang kanyang magulang dahil sila ay nasa trabaho. Pumunta siya sa kanyang silid na sobrang dilim at nilock ang kanyang kwarto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon