Tala

52 4 0
                                    


"Sa wakas! Nakarating din", sigaw ni Jamien na may kasama pang pag-unat ng kanyang katawan. Umaarte pa itong parang nalantang gulay habang naglalakad papunta sa loob ng resort na aming pinuntahan.

Napakadaming makukulay na bulaklak ang makikita mo sa mga gilid at kitang kita mo ang mga makukulay na tent na naka-ayos at set up na sa tabi ng dagat. Kami lang ang naka-book sa araw na ito kaya naman sobrang tahimik at napaka-relaxing sa pakiramdam ang beach na ito. Kanya kanya nang pilian ng mga kasama sa tent ang iba kong mga kaibigan at sa outing naming ngayon ay ang kasama ko naman ay si Ariah. Nagpunta na kami sa sarili naming tent at nag-ayos ng mga gamit.

"Guys, after 1 hour tipon na ulit tayo sa bonfire ah! Yung mga naka-toka sa pagluluto, tara na!" narinig kong sigaw ni Bea na nakatayo malapit sa bonfire. Siya kasi ang organizer ng mga outing naming magkakaibigan dahil para samin, siya ang pinakaresponsable pagdating sa mga ganitong bagay.

Pagkalabas naming ng tent ni Ariah ay sobrang gulo na agad nila. Sila Bea ay abala sa pagluluto at pag-aayos ng kakainin, sila Jamien naman ay nagpipictorial na sa may dagat, sunset na din kasi kaya maganda na panigurado ang mga kuha nilang litrato, sila Hiro naman at ang iba kong mga kaibigang lalaki ay abala sa pagpapa-apoy ng bonfire.

"Hindi naman halata sa mga kaibigan nating enjoy na enjoy nila tong outing, ano?" natatawa kong sambit kay Ariah habang naglalakad kami papunta sa mga bato malapit sa dagat. Palubog na ang araw at napakaganda nitong tignan. Napatingin naman siya sakin at natawa, "Kaya nga eh, pero deserve din naman natin to"

Nakangiti akong tumango sakanya at nauna nang umupo doon sa nakita kong malaking bato, sumunod naman si Ariah at umupo sa katabing bato. Nagkwentuhan lang kami doon at natutuwa ako na sobrang dami kong natutunan sa pagkatao ni Ariah dahil bago pa lamang siya sa aming tropa. Isa siyang bagong estudyante sa eskwelahan namin at saktong lahat ng naging mga kaibigan nya ay nasa iisang grupo lang ng magkakaibigan, kaya siya nasali saamin.

Pagkalipas ng ilang minuto ay narinig nanaman naming si Bea na sumisigaw at niyayaya na kaming kumain. Walang kupas ang luto nila Bea dahil masarap talaga nito at nabusog kaming lahat sa pagkain. Pagkatapos kumain ay nagsarisarili na kami, ang iba ay naligo na dagat, ang iba naman ay nagkukuwentuhan padin, at ako naman at si Ariah ay bumalik sa puwesto naming dalawa kanina, doon sa mga bato.

Nagkukuwentuhan kami ni Ariah sa mga pangarap naming sa buhay hanggang sa malipat ang kuwento naming tungkol sa mga Hiling.

"Cianna, alam mo bang kapag humiling sa pinakamalaki at pinakamaliwanag na bituin sa langit, ay matutupad ang iyong hiling?", sabi niya habang nakatingin sa langit. Bigla naman akong natawa sa sinabi niya dahil sa pagkaka-alam ko ay laos na ang kasabihan at paniniwalang iyon.

"Ano ka ba, Ariah! Hindi na ako bata para maniwala sa mga ganyan." Binunggo ko pa ang tagiliran niya sa sobrang tuwa dahil hindi ko inakalang naniniwala pa pala siya sa mga ganun. Isa siya sa mga pinaka-seryoso at mature na taong nakilala ko kaya naman nakakagulat talaga na sasabihin niya bigla iyon saakin.

Bigla siyang tumingin saakin ng seryoso, "Malay mo, matupad talaga. Walang imposible, Cianna", at tumingin ulit sa langit. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ang isang bituing napakaliwanag at ito ang una mong makikita kapag tumingin ka sa langit dahil sa laki nitong naiiba sa katabi nitong mga bituin. "Wala naman sigurong mawawala saakin kung susubukan ko diba? Hahahaha!", nakangiti kong sambit sakanya at ngumiti na din siya sakin, "Walang wala."

Tumango ako sakanya at tinitigan kong maiigi ang malaking bituin na iyon. Hiling? Masyado ata akong madaming hiling sa buhay. Napangiti naman ako sa sarili ko nang maalala ko ang sinasagot ko sa mga tao dati kapag tinatanong nila ako kung ano ang hiling ko sa aking buhay.

TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon