YOU'RE STILL (one shot) by ShesThatGuy

249 13 3
                                    

"YOU'RE STILL"

© 2013 ShesThatGuy All Rights Reserved

This product is protected by copyright and distributed under licenses restricting copying, distribution, and decompilation.

 

Sabado.

Or our cleaning day, by the way hindi basta maglilinis lang na katulad nang ginagawa niyo. Dahil itong araw na ito, as in lilinisin namin ang buong bahay at liligpitin na namin ang lahat ng gamit.

Magma-migrate na kasi kami sa States. At ang flight namin ay on the day after tomorrow.

“Ann!”  tinatawag ako ni mommy.

“Bakit po?” tanong ko.

“Halika, bumaba ka rito”  two storey bahay namin. Sa isip-isip ko. Ano na naman kayang ipapautos ni mommy, kinakabahan tuloy ako.

Nakababa na ako.

“Bakit po?” tanong ko.

Mom: bakit hindi mo pa nililinis yung bodega?

What the?! Seryoso ba sya?

“Mommy naman, baka matuklaw pa ako ng ahas don.”

Mom: Ms. Ann Yocor, I'm serious here.

 

Duhh? Serious din kaya ako. Sobrang daming nakatambak don, malay ko ba kung tinitirhan na yun ng kung anong freak animals.

Mom: Now, hindi mo lilinisin ang bodega at hindi ka kakain o lilinisin mo at makakakain ka? It's your choice.

 

The hell! Choice ba yun? Mom knows how I love to eat. Kaya ang tawag don NO CHOICE.

Ok nandito na ako ngayon sa tapat ng pintuan .

Pagbukas ko ng pinto..

What the heck?!

Sinasabi ko na nga ba at parang may Halloween party dito. Puro agiw na,at kailangan pang hawiin para lang makadaan ka. Tsk! Ilang libong taon na ba ang nakararaan nang malinis namin to?

Charot!

Mga 5 years na siguro. Dahil sobrang busy ako sa pag aaral at graduating narin ako. Si mommy naman ay isang doctor kaya na sa trabaho pag gabi at pag umaga naman ay tulog. Si daddy naman, duhh? Ano bang aasahan namin doon? E lalaki yon at hindi naglilinis. Si ate naman ay nasa states ,kasama ang asawa niya. Dun na nga ako mag wo-work sa company nila sa States.

May napansin ako.

Isang teddy bear. Isang pink and cute teddy bear.

Napangiti ako ng maalala ko ang toy na yun punumpuno ng ala-ala, mga ala-alang nangyari sa akin dito sa Pilipinas. Mga ala-alang ayokong bitawan.

I have 2 bestfriends. Si Jake at RVin. Actually, mas tamang sabihin na , yung isa ay bestfriend ko at yung isa naman ay ang taong minahal ko.

Nung 13 years old ako, niregaluhan ako ni RVin ng teddy bear, yung pink na teddy bear.

Dahil si RVin ang lalaking minahal ko, pinangalagaan ko yung regalo niya. I just kept it inside my collection stand. Pero kapag hindi ko mapigilang sarili ko niyayakap ko yun ng napakahigpit at itinatabi sa pagtulog ko, minsan ini-imagine ko na si RVin yun.

Ang weird ko nga non e. ayoko kasing madumihan yun at maalikabukan dati. Pero ngayon, tignan mo kung nasan na? Nasa bodega at sobrang dumi na.

Teka lang,hindi nyo naman kasi ako masisisi kung bakit nagkaganon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're Still (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon