Prologue

1.1K 14 14
                                    

Moira Suzette Lazaro.

Accelerated student sapagkat hindi na niya kinailangang mag-aral sa preparatory level at dumiretso agad sa ikaunang baitang. Nagsilbing representative ng kanilang paaralan sa iba't ibang academic competitions at palaging inuuwi ang mga medalya't mga tropeo. Nagtapos ng elementary division bilang first honor. Nag-aral sa Maynila pagsapit ng hayskul at napag-alamang may potensyal na pangalanang valedictorian sa pagtatapos ng taon. At sa kasalukuyang mga balitang pumapalibot sa kanya, isa siya sa mga pinagpalang makapasa sa isa sa pinakamahirap na entrance exams sa bansa, ang UPCAT.

Tumingala ako sa banner na nakapaskil sa tapat ng Melivra Elementary School at pinagmasdan ang larawang naka-imprenta roon. Hindi ko alam kung saan nakuha ng nag-edit noon ang litratong ginamit at kung may permiso ba siyang hiningi, ngunit hindi ko naman maipagkakaila na napakaganda niya pa rin.

Sa tagal ng panahong hindi kami nagkita ay napakaraming nagbago sa kanyang itsura. Humaba ang kanyang napakaitim na buhok, mas pumuti pa ang kanyang balat, at kahit na naroon pa rin ang kanyang pagiging baby-faced ay hindi maitatangging dalaga na talaga ang kanyang anyo. Pawang mas lalong naging kayumanggi ang kulay ng kanyang mga mata, may bahid ng kulay rosas ang kanyang mga pisngi, at pumula pa lalo ang kanyang mga labi.

Napabuntong-hininga ako at itinaas nang bahagya ang aking kamay patungo sa litrato, ngunit ibinaba naman pagkalipas ng ilang sandali. Naudlot ako nang mahagip ng aking paningin ang mga katagang, "Congratulations to Moira Suzette Lazaro for passing the UPCAT!" sa tabi ng kanyang nakangiting mukha, sapagkat alam na alam ko na kahit ano pa man ang mangyari ay hinding-hindi ko siya maaabot. Sadyang masaklap lang kasi kahit na gaano pa ako mangarap, malabo talagang mangyari ang inaasam-asam kong darating ang araw na magiging karapat-dapat na akong makatuluyan ang isang katulad niya.

After all, her world is too distant for me to reach. We are of different scales. The gap between our levels is infinity. Like parallel lines, our routes will never cross. And I will never belong in her universe no matter what means I'll pull through.

In short, she is OUT OF MY LEAGUE.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Out of My League [ UNDER RECONSIDERATION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon