K L A S M E Y T

1K 29 7
                                    

KLASMEYT

Isang taong humihiling ng pagkakataon 

Isang naghahanap ng kaligayahan 

Matatamo kaya nila ang kanilang inaasam?

PAGKAKATAON 

Pagkakataon. 

Kung meron mang pagkakataon ay siguro ito na ito. Mag-isa lang siyang kumakain sa canteen at puno halos ang lahat ng upuan doon. Huminga ako ng malalim habang hawak-hawak ko ang aking tray. Lumapit ako sa kinauupuan niya at tinanong ng ganito, "Klasmeyt? Pwedeng makiupo?" 

Tumingin siya sa akin, tumango at saka pinagpatuloy ang pagkain niya ng spaghetti.  

Hindi ko alam ang aking sasabihin ngayong kaharap ko na siya at may pagkakataon na akong makilala siyang ng mabuti. Hindi ko alam kung paano mag-uumpisa, kung ano ba ang pwedeng pag-usapan, kung ano ang pwedeng itanong. 

Biglang nagring ang kanyang telepono, mukhang hindi text ang dumating sa kanya kundi isang phone call ngunit hindi niya inangat ang kanyang celphone upang sagutin ang tawag. Tinitigan lamang niya ang kanyang telepono hanggang patuloy sa pagtugtog ang ring tone nito. 

"Ahmm, hindi mo ba sasagutin?'" tanong ko sa kanya. 

"Hayaan mo siya."sagot niya. Kinuha niya ang kanyang panyo at saka pinunasan ang luha sa kanyang mga mata, "Sige ha. May klase pa ako eh." 

Tumango ako at saka siya tumayo't kinuha ang kanyang bag palayo sa kinauupuan ko. 

Napatingin ako sa mesang pinagkainan niya at napansin ko ang kanyang panyo na naiwan dito. 

Agad kong kinuha ang kanyang panyo at saka siya tinawag, "Klasmeyt!" 

Lumingon siya sa akin. 

Inabot ko sa kanya ang kanyang panyo, "Naiwan mo. Mukhang kailangan mo pa naman ito." 

Ngumiti siya sa akin at saka kinuha ang panyo niya, "Salamat." 

Pinagmasdan ko siyang palayo sa kinatatayuan ko. Sana dumating ang panahon na mapalitan ko ng mga ngiti ang luhang iyon. Sana mabigyan pa muli ako ng pagkakataon, Mabigyan pa sana ako ng pag-asa.  

Tama nga ang sabi nila. Mahirap talagang ma-in love. Maslalo na sa isang torpe at mahiyain na katulad ko at maslalo na kapag ang taong gusto mo ay may mahal ng iba. 

Ilang beses na rin kaming magkaklase sa ilang subjects. Mula third year hanggang ngayon last semester na namin sa college, pero di ko alam kung napapansin niya yun. Hindi naman kasi kami nagkakausap sa klase dahil pareho lang kaming tahimik. Ako, natural na tahimik at siya parang laging may malalim na iniisip. Kaya nga hanggang tingin na lang ako sa kanya at hinihiling ko na lang sa Diyos ang isang pagkakataon. 

Mahirap talagang maghintay ng pagkakataon, maslalo kung hindi mo alam kung saan, kailan o paano ito magaganap. Sa bawat pagkikita namin, sa bawat pagtama ng aming mga mata, iniisip ko lagi na baka yun na marahil na hinihintay kong pagkakataon, pero hindi pa pala. 

"Mr. Gilbert Javier." 

Tumayo ako sa harapan at nagsimulang magreport. Isinuksok ko sa aking CPU ang dala-dala kong flashdrive upang ipakita sa kanila ang presentation video na pinagpuyatan ko. 

Pinundot ko ang video na file na aking gagamitin at hinintay lumabas sa projector ang ginawa kong presentation. Dahil sa tagal magread ng computer ay nagbigay muna ako ng introduction para sa aking report. 

"Ladies and gentlemen." Napatingin ako sa kanya kung saan nakatingin siya sa akin kaya naman maslalo akong kinabahan, "What I will report for today..."napansin kong gumuhit ang ngiti sa kanyang mukha na lalong nagpalakas ng nanghihina kong loob, "What I will report for today is the company profile of..." 

K L A S M E Y TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon