Irish's POV
' Rivero for three!!! '
' Another one for Rivero!!!"
' Ricci Rivero!!! '
' What a move from Ricci Rivero!!! '
"Hey Matt, can you please minimize the volume of the TV?" seryoso kong sabi sa pinsan kong si Matt na tutok na tutok sa pinanonood. Naririnig ko pa na humihiyaw siya ng yes sir!
I'm doing a lot of school works right now and I can't concentrate because of his noise. Hindi ko matapos tapos yung essay na ginagawa ko. I can't even make a simple sentence.
Pa-irap akong tumingin sa gawi ni Matt na tuwang tuwa pa rin sa pinanonood. Mukhang hindi narinig ang sinabi ko.
"Matt! Sabi ko, pakihinaan yung tv!" pag-uulit ko, mas malakas kesa sa kanina.
"Look ate, di ako makapag concentrate sa pinanonood ko. You're so loud! Just talk to me later." Sabi niya habang ang mga mata ay nasa TV pa rin. Hindi manlang ako tinignan.
Napapikit ako sa inis nang marinig ang sinabi niya. "Matteo Cortez!!!" malakas na sigaw ko. Malakas ang loob kong sumigaw ng ganoon dahil sound proof naman ang unit nitong batang 'to.
Pinanood ko naman kung paano niya takbuhin ang lamesita para kunin ang remote ng TV. Mabilis niyang hininaan iyon at pagkatapos ay nginitian ako.
Napabuntong hininga na lang ako at bumalik sa ginagawa. Akala ko, dahil sa hininaan na ni Matt yung tv ay magagawa ko na ng maayos ang school works ko. Pinilit kong i-focus ang utak ko sa ginagawa pero ayaw pa rin talaga. Gulong gulo ang utak ko! Ayaw mag function ng maayos!
' What a smart move from Rivero! '
Inis kong nilukot ang yellow paper na hawak-hawak ko. Napapikit ako at napasandal sa upuan para pakalmahin ang sarili ko. I counted 1-10 at pagkatapos ay dali-dali kong niligpit ang lahat ng gamit ko. Tumayo ako para uminom ng tubig sa may kusina dahil feeling ko ay nanunuyo na ang lalamunan ko.
Pagkatapos uminom ay napadaan ako sa sala kung saan nanonood si Matt ng sports. Napadako ang tingin ko sa TV at nakita ko ang isang lalaki na nakangiti habang nakatingin sa camera. binasa ko ang nakasulat sa may baba ng screen.
' Ricci Rivero, player of the game. '
"He's handsome, isn't he?" rinig kong tanong ni Matt. Pinagmamayabang ang idolo. "Daming nagkakacrush diyan eh. Daming fans."
"Really?" seryosong tanong ko. Nanatili akong nakatingin sa lalaking kasalukuyang iniinterview.
"Yes! Kahit nga artista nagkakagusto diyan eh."
Hindi ako sumagot at nanatili pa ring nakatingin sa TV.
"Bakit, ate? Is he your type? HAHAHA, goodluck. Mahaba ang pila."
Imbis na sumagot ay ngumiti lang ako ng tipid kay Matt. "Alis na ko." pagpapaalam ko. Kinuha ko na lahat ng gamit ko.
"Agad?"
"Yep. Ingay mo eh."
"Woah! Bawal pala ako mag-ingay dito?" diniinan niya ang pagkakasabi sa huling salita.
Natawa ako. "Oo, pag nandito ako."
"Tsh. Sige na umalis ka na!" pagtataboy niya sa akin. "Paki kamusta nalang ako kay ate Xandy!"
I slightly laughed. "She has a boyfriend, Matt."
"So what? psh." nakita kong nagpout siya. Natawa na lang ako at lumabas na ng condo unit niya. And yes, niya. He's just 16 years old for Pete's sake, pero may sarili na siyang condo unit! Palibhasa kasi ay anak mayaman, plus nag-iisang anak lang.
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanfictionA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.