TININGNAN ko na lamang ang phone ko, at sakto namang may text na sa akin ang kapatid kong si Aiden. Nakaalis na raw ang tatay namin, kaya pwede na akong umuwi sa bahay.
Pagdating ko ay talaga ngang nakaalis na ang tatay ko dahil wala na ang kotse niya na nakaharang sa daan. "Mabuti naman at umalis na..."
Nang kukunin ko na ang bisikleta kong isinandal ko sa bakod kani-kanina lang, laking gulat ko nang makitang ayos na ang kadena nito. Hinawakan ko pa ito para i-check dahil baka namamalik-mata lang ako, pero hindi. Talagang ayos na ang bisikleta ko!
"Aiden!" sigaw ko habang papasok ng bahay, "Ikaw ba ang nagpaayos ng bisikleta ko?"
Tinaasan ako ng kilay ng kapatid ko na nakatayo sa may pinto. "Uy hindi ah. Ngayon pa nga lang ako lumabas. Na-trap ako dito sa loob ng bahay dahil pinakausap ako ni Mama kay Papa."
"Eh bakit ayos na 'tong kadena nito?"
"Aba malay ko. Baka naman kasi hindi naman talaga sira yan kanina."
"Hindi ah. Talagang sira 'to kanina. Kung maayos 'to eh 'di sana hindi ako naglakad pauwi. Talaga bang hindi mo ipinaayos 'to? Baka naman pinagtitripan mo ako ha. Huwag ganyan, Aiden. Masasapak kita," banta ko sa kanya.
"Eh ate, hindi nga. Ang kulit mo rin. Pumasok ka na nga. Kanina ka pa hinahanap ni Mama." Pagkatapos ay pumasok na sa loob ng bahay ang nakababata kong kapatid.
Bigla akong kinabahan. Sunod-sunod na ang mga pangyayaring ganito na may tumutulong sa akin at nagbibigay ng kung anu-ano. Gusto kong maging thankful pero hindi ko magawa dahil sobrang creepy na ng mga nagaganap. Wala naman akong ma-pinpoint na tao na pwedeng gumawa nito dahil wala naman akong ebidensyang nakukuha. Ang masisigurado ko lang, malapit lang siya at araw-araw niyang napagmamasdan ang mga ginagawa ko at ang mga nangyayari sa akin.
Oh shit... Hindi kaya may stalker ako?
"STALKER agad? Hindi ba pwedeng secret admirer muna?" natatawang sabi ni Erika sa akin habang naglalakad kami papasok sa school. Kinuwento ko kasi sa kanya ang mga nangyayari sa akin nung nakaraan, umaasang may maipapayo siya sa akin. Pero wala rin akong napala dahil umandar na naman ang pagiging hopeless romantic ng kaibigan ko.
"Sira ulo ka rin eh. Sa tingin mo may time pa akong kiligin dahil sa mga nangyayari? Nasusundan ako kahit saan ng kung sinumang nagbibigay ng mga kung anu-ano sa akin. Alam niya kung saan ako nakatira, saan ako nag-aaral, at kung saan ako nagtatrabaho. Alam niya kung ano ang mga nangyayari sa akin! Sabihin mo nga, paano niya naman nalaman na napaso ako habang nasa trabaho? Paano niya nalaman na wala akong ballpen? Paano niya nalaman na nasira ang bisikleta ko? Bakit niya alam kung saan ako nakatira?" Sinapo ko ng kamay ang sentido ko, "Sa tingin mo ba hindi pa stalking ang tawag dun?"
"Oo na. Sabihin na nating may stalker ka nga. Ang tanong, may idea ka na ba kung sino yang palaging sumusunod sayo?"
Umiling ako. "Wala. Pero sigurado akong malapit lang siya sa akin. Baka kaklase ko, o kaya customer sa café."
"Yun naman pala eh. May idea ka naman pala kahit kaunti. Dun ka na magsimula. Maging observant ka. Be aware of your surroundings. Baka mamaya obvious na pala kung sino, tapos hindi mo lang napapansin."
May punto rin si Erika sa sinabi niyang iyon. Kaya nga pagdating ko sa klase ay naging mapagmasid na ako. Mapa-babae o lalaki, inoobserbahan ko talaga. Malaki ang chance na isa sa kanila ang stalker ko.
BINABASA MO ANG
Something About Us [✔]
Teen FictionEverybody knows Quintus Zamora as a monster. Sabi ng iba, para daw siyang hindi nakakaramdam ng sakit kahit pa nakikipagbasag-ulo, at talaga namang halimaw siya kung manakit ng kaaway niya. He's almost a superhuman, base sa mga kwento nila. I know...