Alam mo ba feeling ng nag-iisa?
Ako alam ko,alam na alam ko
Pano ko ba naman hindi malalaman
Eh nag-iisa lang ako.
Lahat Sila ayaw sa akin,
Lahat sila nilalayuan ako,
Na para bang maysakit akong nakakahawa.
Lahat sila binabara Ang bawat sasabihin ko,
Lahat sila may lihim na galit sa akin
Na minsan Hindi na maiwasang lumabas
Walang sinuman ang may gustong makipag-kaibigan
Kakausapin sandali lang,
Kakausapin pag may kailangan lang
Pagtapos ityapwera ka nanaman
Babalewalain ka nanaman.
Yung feeling na parang invisible ka lang
Ang sakit sa pakiramdam..
Sobrang sakit...
Lalo na Yung feeling na akala mo friends na kayo,hindi pala..
Yung akala mo totoo siya sayo.
Akala mo mabait siya Kaya ka niya kinausap at kinaibigan..
Akala lang pala..
Lahat pala ng ipinakita niya kaplastikan!
Lahat ng saya na kasama siya kasinungalingan!
Kasinungalingan na magiging aral,
Aral na dapat matutunan
Ng isang taong pinagkaitan,
Pinagkaitan ng kaibigan
Ng isang tunay na kaibigan.(So here's my first spoken words madami pa po akong gawa so sana po magustuhan niyo toh..
Thank you po!)
YOU ARE READING
spoken words
Poetryhi po!! so Yun nga po first to magpopost dito. mahilig po ako magsulat ng kwento at tula at dahilan hindi pa po tapos ung ibang story ko naisipan ko pong spoken words na lang po muna ipost ko. so ito po ay tungkol sa kaibigan,love ones ,atb. Sana po...