Prologue

5 3 0
                                    

Mae's Point of View

Kasalukuyan naming hinihintay si Ma'am Jane para sa first period naming klase ngayong umaga. Maingay ang mga kaklase ko ngayon dahil nalalapit na rin ang pasko kahit sa totoo lang malayo pa. 100 days na nga lang daw ay pasko na. They are happy chitchatting about the places they want to go for vacation when the door opened.

The classroom was filled with silence when Ma'am Jane came in with his usual expression. Masungit look sabi nga ng mga kaklase ko. Lumakad ito pagitna at nagsalita.

"Ok class! May dala akong balita para sa inyo. Isang good news at bad news. What do you want to know first?"ani nito.

"Bad news maam!"sigaw ni Angelo na talaga namang rinig na rinig sa lahat ng sulok ng room dahil sa lakas ng boses nito.

'Ang ingay talaga' sabi ko sa isip ko.

"Ok. Dahil bad news ang pinili niyo, ito na. Kakapromote ko lang kasi at sabi ni Maam Taboy ay lilipat na ako ng school na pagtuturuan."sabi nito.

Bad news ba yon? Alam kong sa isip ng mga kaklase ko ay isa iyong napakagandang balita.

"How about the good news maam?"tanong si Shayn-ang VP sa klase namin.

"Ang good news? Dahil malapit na ang pasko, I want to give everyone of you a gift before I'll leave. Just write the gift you want to have in this piece of paper. After that place it here in this small box."sabi nito na nakapagpasigaw sa klase sa tuwa.

Binigyan ang bawat isa ng papel. I dont know but I feel strange. Parang may mali o hindi lang siguro ako sanay na hindi nanenermon si maam pagpasok nito.

Pero may kakaiba talaga sakanya ngayon. Diretso lang ito kung tumingin pero isinawalang bahala ko iyon at isinulat ko ang gusto kong regalo. Ang isa sa mga uso ngayon.

'Zipper Headset'. Yan ang sinulat ko.

Pagkatapos ko iyong isulat. Tumayo ako at inilagay ito sa maliit na red box sa harap. Gaya ng sabi ni maam. Pagkaupo ko ulit, napalingon ako kay maam at kinilabutan nalang ako sa paraan ng pagtingin niya. Nakakakilabot.

Christmas GiftWhere stories live. Discover now