Isang tanong na walang kasiguraduhang kasagutan. Kasagutan na makakapagsabi kung ano ba ang kailangan. Kailangan pa bang magkunwari na ika'y tapat? Paano nga ba maging sapat? Kung ang mahal mo naman ay kailangang may chix na apat para raw hindi mapahiya sa kanyang mga barkada ngunit hindi manlang naisip ang iyong nadarama. Binigay mo na lahat ng nararapat pero naghanap pa ng iba kasi hindi ka pa sapat.
Sorry. Sorry kung hindi ako ang hanap mo. Ang hanap mo na may hinaharap na ikinasasaya mo. Hindi kagaya ko wala na ngang ipinagmamalaki hindi pa nila alam kung asaan ang likod ko. Masakit pero kakayanin dahil hindi naman iyan ang hangarin mo kase ang alam mo kakaiba siya. Na hindi siya manloloko d tulad ng iba. Pero hindi lang niya pinahalata na kulang na siya sa aruga. Kailangan pa ba ng dyoga matawag lang na maganda? O maging matangkad at mestisa? Kasi ang alam ko sa pagmamahal walang pinipiling itsura ngunit nagkamali ako kasi ang hanap niyo ay may pigura.
Minsan may nahulog na sa inyong patibong. Hindi na kasi nila nakontrol. Inihiga ibinuka ipinasok ang wakas may inosenteng nasangkot sa katarantaduhang naidulot ng pagiging bulakbulero at walang ginawa kundi gumawa ng gulo. Hindi manlang naisip ang mga magulang niyang naghihirap gumapang ngunit ika'y nagpagapang lamang. Magiging batang ama at batang ina tsaka ipopost sa social media tapos ang haba ng kapsyon niya na pasalamat raw ang bata dahil siya ang naging ina dahil hindi niya nilaglag ang bata matawag lang na dalaga.
Balik tayo sa tanong ko kung paano ba maging sapat? Lagi naman akong nandyan ngunit iba ang iyong sinisilayan.
Pinag mukha mo akong extra sa storya ninyong dalawa ano nga ba ang meron sakanya na dahil sakanya nagbulagbulagan ka. Aaminin ko na madaming wala sakin na kaya mong hanapin sa iba pero madaming wala sa kanila na sakin mo lang makikita.Basilyo basilyo anong gagawin ko
Kung halos lahat ng lalaki sa mundo
Ay walang ginawa kundi manggulo at manloko.Tanong ko sa inyo, ano nga ba ang nararamdaman niyo pag nanloloko kayo? Pero minsan, sana matanong niyo sa sarili niyo, ano ang pakiramdam ng mga naloloko kasi masakit isipin na naglolokohan lang pala kayo.Sa tingin ko ito nalang ang masasabi ko. Makakahanap rin ako ng hihigit pa sayo na tatanggapin ako ng buong buo
At higit sa lahat sapat na ako sa kanyang puso.~Legendary_Euphrosyne
YOU ARE READING
The TRUTH
General FictionMinsan mo na bang naisip kung gaano kaimpluwensiya ang systema natin sa ating pang araw araw na gawain? Siguro nga't hindi natin namamalayan na isa na tayo sa mga sumasabay sa uso. Para sa ating mga millenial ito kaya siguradong makakarelate kayo.