Chapter 1
"Get out of my fucking house, Warrior. I'm not in the mood for your shits." Taboy ni Killer sa kanyang kapatid na bigla-bigla nalang pumasok sa kanyang penthouse. Sinira na naman nito ang kanyang security system! Hindi niya alam kung bakit kailangan pa nitong sirain iyon! Ano ba ang silbi ng doorbell? Is he trying to copy Kace? Because the world 'doorbell' doesn't exist in that man's vocabulary. Damn! Kailangan na naman niyang papuntahin rito si Chaos para ayusin ito! He left him in charge at the airforce!
"I came to tell you that your bride finally agreed to marry you." Nakangising balita nito sa kanya.
Tiningnan niya ang kapatid. Wala siyang pakialam kung pumayag na ang babaeng yun dahil siya, kailanman ay hindi papayag sa kasalang ito. Walang kasalang magaganap! Kahit tutukan pa siya ng baril ng kanyang dad, hindi siya nito masisindak!
"If that's all you want to tell me, you can now leave, War. I'm sleepy. It's just 7 A.M! Fuck you!" Niyakap niya ang unan at tinalikuran ang kapatid. Madaling araw na siyang nakauwi dahil sa sobrang kalasingan tapos ngayon ay iniestorbo nito ang kanyang tulog! Gusto na niyang pasabugin ang ulo nito!
"That's not all. You'll get married in 3 days' time, bro."
"Alright. Now, get lost."
"Your bride is a gorgeous woman. Did you check her profile? She has very beautiful green eyes."
Hindi siya sumagot. No, he didn't bother to check her profile dahil wala siyang planong siputin ito sa araw ng kanilang kasal. Tinakpan ni Kill ang tainga gamit ang unan. Naririndi na siya sa boses ng kanyang kapatid! Seriously! Pumunta ba ito rito para bwesitin siya? Dahil kung oo, nagtagumpay na ito! Bwesit na bwesit na siya! Inis na bumangon siya sa kama at inihagis sa mukha nito ang unan pero tinawanan lang siya nito.
"It's time for you to forget Ali, Kill."
He sighed and massaged his temple. "It's not that easy, War." You will never understand..
Nagde-cuatro ito at kunwaring napaisip. "You're just making it hard for yourself. Look at you? You're a mess. Drinking and sleeping around with women won't help, bro. Damn! I'm your younger brother pero parang ako pa ang mas matanda sayo." Napailing ito. "You're such an idiot."
Tumalim ang kanyang mga mata. Sinisermonan ba siya nito? Pero may punto naman ito. He has been drinking and sleeping around with different women every single night pero wala pa ring pagbabago. Hindi pa rin naaalis si Ali sa kanyang sistema. The pain slowly crept in his chest.
"Marry her."
"What?"
"I know hindi tamang gawin mo siyang rebound pero malay natin? Magkagusto ka sa kanya? She's your type by the way. Long black curly hair, small face, beautiful green eyes, big boobs — bro she's a bombshell! Hindi na ako magtataka kung bakit baliw na baliw ang Frans McConney na yun sa bride mo." Tumayo ito at tinungo ang pinto ng kanyang kwarto. "Think about it, Kill. Anyway, may pagkain ka ba sa fridge? Nagugutom ako."
Marahas na bumuntong-hininga si Killer. No, he can't marry her. Hindi lang naman si Ali ang issue niya. He's not ready to become a husband! He's not a family man, damn it! Hindi siya katulad ng kanyang mga kapatid at pinsan na marami ng maipagmamalaki sa sarili, na ano mang oras kung gugustuhin ng mga ito ay pwede ng magpakasal at magkapamilya.
The most successful businessman among them is Kace. He's the richest! Sumunod naman si Gunner, si Helium. Siya? Fuck! Oo marami siyang pera pero ni isa ay wala siyang business! Kapag nagkapamilya siya, nagkaanak, ano nalang ang sasabihin ng mga ito sa kanya?
BINABASA MO ANG
Ainegel Bros. : Killer's Bride
RomanceA fighter pilot and a Commanding Officer. A cold-blooded brute but a very sexually attractive man. No woman couldn't resist Killer Relic Ainegel. Well, that's what everyone thought. But the truth is, he was rejected by the only woman he had ever lo...