+LIVED ACADEMY +
(TRISTAN’S POV)
Umalis si Ma’am Miki dahil hindi nya kinaya yung nangyare. Naiwan kami sa Headquarters.
Nang magising sila June at Darren sa pagkakagising. Ibinigay ko na agad sa kanila yung Contacts nila at agad na pinasuot sa kanila.
“Ang sakit ng katawan ko!” reklamo ni June habang hwak hawak ang mga braso. “Ano bang nangyare?! Panaginip lang ata yung---“ naputol na sabi ni June nang biglang takpan ni Darren ang bibig nito.
“Di naman ata mangyayare yun eh?!... Atsaka isipin mo na lang na bangungot yun” sabi nya at binigyan nya ng makahulugang titig si June. Parehas silang na nahimik.
“Ano bang nangyare sa inyo?” tanong ko. “Nasaan si Sandy?” sunod kong tanong.
“Si Sandy?... ahhhh hindi namin alam…. Di ko maalala” sabi ni June. Hindi mo maalala? Parang may tinatago sila sa amin. Si Darren hindi makapagsalita ng maayos ganon din si June.
Inilabas ko yung White queen… mukhang malaki ang parte ng bagay na toh sa nangyare sa kanila.
“kung ganon…. Para saan toh?” tanjong ko at inilapit ang white queen sa mukha ni Darren. “Kuing sakaling may ginawa sa inyo… Alam na alam ko kung kanino mapupunta toh… sayo toh Darren di ba?” tanong ko sa kanya. Kinuha nya ang white queen at itinago.
“Hindi mo naiintindihan… wala lang yung nangyare! Wala yun~ maniwala ka!” inis na sabi ni Darren sa akin at tumayo sya. “Pupunta lang ako sa Banyo” sabi nya. Dumeretso sya sa pinto pero bago sya umalis habang nakatalikod may itinuro sya banda sa salamin.
Tumingin sa akin si June.
“Nakikita mo ba?” tanong nya tiningnan ko yung salamin. “yung nasa likod nyan” sabi nya ng hindi tumitingin sa akin.
Lumapit ako sa salamin at tiningnan yung likuran nito. May nakita akong piture nila Darren at Sandy. May alam ba sila kung nasaan si Sandy?
Bakit ba hindi na lang nila ako deretsuhin…
“Sasama ako sayo dyan…” sabi ni June at inakbayan ako. Pinagtitinginan kami ng mga Istudyante.
“Sila pala yun…”
“Hindi halata ahhh…. Naloko tayo”
“Lumabas din ang tunay nilang pagkatao”
Yan ang mga naririnig kong mga bulungan habang nasa daan kami. Malalalim at matatalim ang mga tingin nila sa amin dalawa.
“kilala talaga ang Unit natin eh noh?” tuwang tuwang sabi ni June habang ako hindi mapalagay. “Punta muna tayo ng banyo!” yaya nya.
Pumunta kami sa banyo. Pagkapasok namin agad nilang isinarado ang pinto. Nandooon din si Darren.
Sa salamin ng banyo may nakasulat na… ‘yung taong hinahanap mo ay nasa paligid lang’
(DARREN’S POV)
Naguguluhan si Tristan sa amin. Ang hirap naman talaga magsalita kapag nagsalita ako… mapapahamak si Sandy. Pero pag hindi ako magsalita mapapahamak tiyak si Tristan.
Anong gagawin ko?
Napalingon ako sa pinto nang Makita ko na parang may nakamasid sa amin.
“Si Sandy” sabi ko biglang umalis sya sa pinto. Tumakbo kami at hinabol sya pumunta sya sa mga vacant na room sa building kung nasan kami. Nakita ko syang pumasok sa Room 37. Nakarating na rin sila June at Tristan sa kinaroroonan ko.
BINABASA MO ANG
LiveD Academy: DeviL's Grip (COMPLETED)
Mystery / ThrillerIsang academy na maraming guild ang nabuo. Kung saan, pinaglalaruan sila ni DeviL. Sa devil's game, kung saan wala kang kawala, kailangan mong tapusin ang laro. Ang L.A. unit na binubuo nila Tristan, Sandy, Darren at June. Sila ang itinalaga na grup...