*LIVED ACADEMY (The Queen of Hearts)*
(TRISTAN’S POV)
“Tristan…” sabi ni Serina habang nakakapit sa braso ko. Nakita nya yung card na hawak ko. “Ano toh? Queen of hearts?” tanong nya at tumango lang ako.
Nang makapasok kami sa library. Maraming tao tumingin sila sa akin ng masama.
“Nandito pala yung responsable sa krimen na nagaganap ditto?” sabi nila. “Welcome… Sherlock holmes kasama mo pala ang….” dugtong pa nila.
“Dumeretso na tayo” sabi ni Serina. Hindi nya pinatapos yung sinasabi ng taong yun. Kung ang kasama ko ang tinutukoy nya. Ang? Ang ano?. Saka ko lang napansin na may dala syang flute. Napansin nya na nakatingin ako sa flute nya “tutugtugan din kita… kaso hindi pa ito ang oras mga mamaya siguro” dugtong pa nito.
Anong ibig sabihin nya dun?!
“Titingin muna ako ditto” sabi ko sa kanya at hinayaan lang nya akong pumunta sa section na yun. Hinanap ko yung libro.
The queen of hearts pamiliar toh sa akin kasi dati nabanggit na toh sa akin ni Sandy. Isa itong libro tungkol sa dalawang taong nagmamahalan… maraming pagsubok ang dumating sa lalaki at hindi tulad ng ibang libro ang Antagonist ang bida ditto. Isinasalamin lang ng libro na yun ang tunay na nangyayare sa academy.
Habang hinahanap ko ang libro may kumalabog banda sa likod ng bookshelf na toh lumayo ako sa pinaghahanapan ko at sinubukang sumilip sa kabila.
*Booogsh!~ (pagbagsak ng libro)
Pagkalingon ko sa banda kung saan yung tunog saka ko nakita ang isang libro na bumagsak. Lumapit ako at pinulot iyon…
‘THE QUEEN OF HEARTS |S’
Ano bang initial ang ‘S’? sya ba yung Author?
Habang hawak ko yung libro.Biglang may gumulong na bote sa paanan ko. Maliit na bote na may sulat saloob. Kinuha ko yung sulat …
‘AT YOUR BACK!’ nakasulat dun agad akong lumingon at may tao sa likod na bigla na lang umalis pagkalingon ko.
“TUMIGIL KA!” sigaw ko
Habang hawak ko yung libro. Hinabol ko yung taong yun ng biglang hinagisan nya ako ng Isnag napakalaking libro. Natigilan ako at hindi na nahabol yung taong yun.
“hindi mo sila napapansin… may dalawang nakasunod sa’yo” sabi ng isang lalaki na kaboses ni Ken. Si Ken ba toh? Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko masyadong Makita ang mukha.
Kung iisipin kong mabuti yung mga sinasabi nya malamang ang isa sa dalawang yun ay nagbibigay sa akin ng mga ebedensya… Sya yung nagawa ng ingay para mapansin yung mga tao sa paligid, yung nagbagsak ng libro at nagpagulong ng bote. Yung isa naman ay yung nagmamasid sa akin na tiyak ay kanina pa… yung criminal at yung naninigurado na hindi ko malulutas yung laro nya.
“Tristan! Ba’t ka sumisigaw?” tanong ni Serina sabay lapit sa akin. Pawis na pawis sya. “Narinig kitang sumigaw kaya pinuntahan kita” dugtong pa nito.
“Delikado kapag sumama ka pa sa akin… Dito ka lang” sabi ko sa kanya at umalis sa Library. Alam ko na yung isa sa dalawng yun nandoon pa sa Library. Hindi ko yun pagtutuunan ng pansin. Iisipin ko muna kung sino ang nagpakana nito.
Sa libro na hawak ko.
‘THE QUEEN OF HEARTS |S’
Sa likuran ng libro may nakasulat na…
“to find the real heart, you must go in the place where your heart wants to go…”
‘Tristan…” tawag nila Darren at June na nakasabay ko. “May nangyare ba sayo?” tanong nila.
BINABASA MO ANG
LiveD Academy: DeviL's Grip (COMPLETED)
Mystère / ThrillerIsang academy na maraming guild ang nabuo. Kung saan, pinaglalaruan sila ni DeviL. Sa devil's game, kung saan wala kang kawala, kailangan mong tapusin ang laro. Ang L.A. unit na binubuo nila Tristan, Sandy, Darren at June. Sila ang itinalaga na grup...