DeviL's GRIP 24

936 30 0
                                    

*LIVED ACADEMY *

(SANDY’S POV)

Sana… sapat na yung clue na naibigay ko para tumigil na sila sa paghahanap sa akin.

Pumunta ako sa lugar na sinabi sa akin ni Devil.

*Tik~ *tok~ *Tik~ *tok~

Habang naririnig ko yung bomba mas lalo akong hindi makagalaw.

Nang nakapunta na ako sa lugar na yun tangging si Devil lang ang nandoon.

“welcome… mukhang magagawa naman nila” sabi nya “salamat sa ibinigay mong clue na hindi sinasabi sa akin alam na nila kung nasaan ka… halos lahat naman nakita ko eh?!” dagdag pa nito.

“ano bang pinagsasabi mo… tumigil ka na” sabi ko sa kanya.

“patawa ka talaga!... hinalikan ka ni Holmes o ni Tristan pala sa corridor may inilagay sayong tracker na nasa bulsa mo ngayon” sabi nya kinapa ko yung bulsa ko at may tracker nga. “umupo ka!” utos nya umupo ako sa isang upuan. Tinaggal nya yung bomba at ipinulupot sa upuan kasama ako.

Ginapos nya ako at tinakpan ang bibig.

“ganito ang gagawin mo ngayon… ang buhay mo ay nakadepende sa mga kaibigan mo kung mahuhulaan nila kung nasaan ka… mabubuhay ka” sabi nya kinuha nya sa akin ang tracker. “at kung hidi nila mahuhulaan… sorry kahit nakakapanghinayang mamatay ka. Ipapaalala ko lang sa’yo na… ikamusta mo ako kay Ma’am Micah at sabihin mong gustong gusto ko na sya Makita” sabi nya at umalis dala ang tracker.

Pano nila malalaman kung nasaan ako?

Maski ako hindi pamiliar sa parte ng building na toh…

Sana mailigtas nila ako.

Meron na lang kalahating oras sa bomba na toh…

(TRISTAN’S POV)

Gumagalaw ang target. Nasa isang lugar sa ibaba ng New Building. Sa pagkakaalala ko. Nandito  ang unang krimen na naresolba namin nung bago pa lang ako. Yung krimen na una kong nakilala si Sandy.

“nasa Basement” sabi ni Darren. Nung nakarating na kami sa basement. Nakita namin yung Tracket at nabagsakan ng bato. Ayun ditto sa mismong lugar. Isang malaking bato ang nakadagan sa tracker kaya na sira ito, may tali at yelo na nakakabit dahilan para bumagsak ng pagkasira nito. Sa dingding may nakasulat na.

‘Makikita nyo sya sa pamamagitan ng paglingon sa nakaraan… mga clue ay makikita sa lugar ng pinangyarihan’ yun ang nakalagay parang babalikan namin ang mga lugar kung saan namin.

Meron pa kami nakitang papel na nakasulat ay ‘Buwan’

Naghiwa hiwalay na kami sa paghahanap.

 Kasama ko si Ma’am Miki na nasa Alvarado Building.

Ang una namin napuntahan ay ang basement kung saan nakakuha kami ng clue. ‘Buwan’

“Ang pangalawang case ay yung kaso ni Hiro… sa parking lot” sabi ko kay Ma’am Miki.

“L.A. Unit sino ang malapit sa Parking lot?” tanong ni Ma’am Miki

“Ako Ma’am!” sagot ni June sa contact

(JUNE’S POV)

“June nakikita mo ba yunglugar kung nasaan nakalagay ang kotse na pinagtaguan ni Hiro sa parking lot?” tanong ni Ma’am Miki sa contact.

Tumakbo ako at lumapit sa Lugar na yun pero walang Kotse.

“Ma’am walang kotse ditto?!” sabi ko nagmasid masid ako sa paligid ng lugar na yun. “May nakalagay na rising arrow… pataas” sabi ko

LiveD Academy: DeviL's Grip  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon