M.U ? Ano nga ba talaga ang meaning nito?
Magulong usapan? Malanding ugnayan? or
MUTUAL UNDERSTANDING?
Parte na siya ng nakaraan ko,
Tatlong taon na ang lumipas simula noong naghiwalay kami.
Bata pa kasi kami noon.
At siya palang yung unang gusto kong seryosohin,
Pero natakot ako.
Natakot ako baka malaman ng mga magulang ko.
“Kyle, maghiwalay na muna tayo”
“bakit naman Krizzia?” nagtatakang tanong niya
“natatakot pa kasi ako, at hindi ko mabibigay sayo ang oras na dapat kong ibigay” sagot ko
“sige hon , nirerespeto ko ang desisyon mo kahit masakit at magulo sakin” umiiyak na sagot niya sakin
Ako si Krizzia. Iniwan ko si Kyle ng masakit sa loob ko. cguro nga inisip niya na niloko ko lang siya.
Lumipas ang mga araw di ko namalayang wala na si Kyle sa buhay ko.
-------- 3 years later -----------
Mga panahong nasasaktan ako sa kakatapos ko lang na karelasyon.
Mga panahong nasasaktan si Kyle sa babaeng iniwan siya sa ere.
NAGTAGPO MULI ANG LANDAS NAMING DALAWA.
Na tila nga’y nakalimutan na naming ng nakaraan naming dalawa.
Isang matatag na Kyle at isang nanghihinang Ako.
NagkaText,Nagkatawagan at dumalas na ang mga panahong magkasama kaming dalawa.
Tinulungan niya akong kalimutan na may problema ako,
Ayaw niyang umiiyak ako,
Ayaw din niyang nagiging mahina ako.
Pinaramdam niya sakin na di ako nagiisa sa problema ko.
Hindi ko makalimutan yung gabi na ang tagal naming magkasama.
Naglakad kami ng napakahaba sa Edsa.
Sa paglalakad namin di namin alintana ang panganib dahil sa sobrang saya.
Sa isip isip ko nga nun,
sana hindi na matapos yung daan,
sana hindi pa kami makarating sa paroroonan namin
at Sana huminto ang oras,
Para makasama ko pa siya ng mas matagal.
Lumipas ang mga araw, Sabay kaming pumapasok sa school,
Minsan sabay pa kaming umuuwi.
Tuwing hindi naman kami magkasama,
Hindi naman pumapalya ang pagtetext niya sakin.
SOBRA AKONG PINASAYA NI KYLE.