Arry.
"Ah, okay na ako dito sa tubig. Kay Milo na lang." Pagtanggi ko kay Zi nang ibaba niya sa harapan namin ang dalawang milktea.
Agad namang kumunot ang noo niya at tinignan ang milk tea na iniusog ko palayo sakin.
"Why? Hindi ka ba umiinom ng milk tea?" Tanong niya habang nakataas ang kilay at nakakunot Ang noo.
Umiling naman agad ako at ngumiti.
"Umiinom, pero ano, Wala lang ako sa mood."Narinig ko namang tumikhim si sweetie kaya pasimple ko siyang siniko.
Pero ibang klase talaga tong babaeng to sa sobrang kadaldalan!
"Ikaw sweetie mawawala sa mood uminom ng milk tea?" Painosente niyang tanong.
Pinanlakihan ko naman siya ng mata at kinurot sa tagiliran na siya namang umaray.
"Ouch ah! Nako Zi nahihiya lang Yan! Ayaw niya nung flavor, kasi---" tinakpan ko kaagad ang bibig niya pero hindi siya nagpatalo at kiniliti ako!
Malakas ang kiliti ko! Kaya ayon nakawala at nagtago sa likod ni Henry.
Lahat na sila ay nakatingin samin kaya nanahimik ako at nakakahiya masyado, ang ingay ingay namin eh feeling close lang?
Tumikhim muna si sweetie bago magsalita ulit.
"Ang gusto niya kasi, Okinawa na maraming maraming maraming black pearls, diba sweetie?" Nang aasar na sabi nito habang nakangiti sakin.
Pasimple ko naman siyang inirapan at nag make face.
Nakakahiya kaya yon! Hindi naman kami close para magdemand ako ng ibang flavor diba? Ako na nga ang binilan ako pa ang aarte?
Kaya nga nananahimik nako eh kaso eto namang si sweetie madaldal. Napaka daldal, actually.
"Then we'll order Okinawa, ipapapalit ko nalang kay Storm itong isa." Sabi ni Zi at tumayo na.
Agad ko Naman siyang pinigilan kaya napahinto siya at tumingin sakin.
"H-hindi na, okay na ito. Hindi ko pa naman natitikman eh." Sabi ko at kinuha ang milk tea at straw nito saka tinikman.
Muntik nakong mapapikit ng malasahan ito.
Ang sarap! Ano daw flavor nito? Taro? Ang sarap pala nito! Grabe akala ko Okinawa na ang pinakamasarap! Hoo! Tao na ako! Hahaha.
Nagulat naman ako ng marinig na tumatawa sila.
"Bakit?" Tanong ko.
"Masarap diba? Ikaw kasi eh masyado kang loyal sa Okinawa at halos isang taon ay iyon ang binibili't iniinom mo." Sabi ni sweetie.
Hindi ko namalayan na kumalahati na ang iniinom ko at nakatingin silang lahat sakin.
Grabe large pa ang size nito!
Napangiti naman ako kaunti at nakitawa sa kanila.
"Mahilig ako sa tsaa diba?" Sabi ko
Oo, mahilig ako sa tsaa. Pampatunaw Kasi sa kinakain yon para hindi ako palaging bloated at matunaw agad ang mga kinain ko para mailabas agad.
Mabagal kasi ang metabolism ng katawan ko at mabagal din makatunaw ng pagkain ang bituka ko kaya umiinom ako ng tsaa.
Atsaka, sabi nila pampapayat din daw iyon kaya bumili ako at tinry. Ayun, effective naman kaso kaunti lang din ang pinapayat ko siyempre ang galing naman nun kung umiinom ako ngayon, tapos paggising ko bukas kasing sexy ko na si Megan Young.