Chapter 6 - Secrets

50 12 4
                                    

Chapter 6

 

Arvie:

 

“Why do you keep on doing this to me! Hindi ko alam kung bakit palagi nalang tayong lumilipat sa malalayong lugar!” naiinis kong sabi kay Dad. Okay na sana ang plano ko kung hindi lang ako nakita ng asungot na Carlos na iyon at isauli ako sa bahay. Matapos niyang gamutin ang sugat ko ay agad naman niya akong inihatid dito sa bahay.

“We are just doing what is best for you,” sabi naman ni mommy.

“Tama Arvz… we need to protect you,” sabat naman ni kuya.

Palagi nalang silang tama at pinagtutulungan pa nila ako sa pagkakataong ito. I just don’t get it! Hindi ko nga alam kung bakit madalas kaming palipat-lipat ng tirahan.

“Palagi nalang kayong tama!” sigaw ko at pumasok na ako sa kwarto ko. Wala talaga silang pakialam sa pakiramdam ko. Ang gusto lang nila ay masunod ang kanilang gusto.

Nang pumasok na ako ay nakita ko agad si Carlos at tinakpan pa niya ang bibig ko. Hindi ako makagalaw dahil ang lakas ng kanyang pagkakahawak sa buo kong katawan. Tama nga ang hinala ko na si Carlos ay nagkukunwari lang na mabuti.

“Wag kang sisigaw,” pabulong niyang sabi. Tanga talaga siya… paano kaya ako sisigaw eh tinakpan nga niya ang bibig ko.

Marahan na niyang inalis ang kanyang kamay sa bibig ko. Sisigaw sana ako pero bakit pa? Nagwalk-out nga ako dahil gusto kong mawaglit sa isipan ko ang plano nilang paglilipat na naman ng bahay. And I hate to talk to my parents right now kaya tumahimik nalang ako.

“What are you doing here!” bulong ko sa kanya sabay sampal. Haha, nakaganti na rin ako kay Carlos. Natulala pa nga siya dahil sa sampal kong iyon pero nakangiti pa rin siya na parang tanga.

“Are you okay?” rinig ko ang pagkatok ni mama sa labas ng pinto. Kaya nga ako pumasok sa kwarto dahil hindi ako okay eh! Si Carlos naman ay sumisenyas na tumahimik ako.

“Sssss…” sabi ni Carlos.

“I’m fine mom,” sabi ko naman para matigil lang si mama.

“Are you sure?” tanong ni mama. Syempre hindi ako okay! Ano ba naman ‘tong pamilya ko! I really don’t want to leave this place dahil marami na rin akong naging mga kaibigan. Kahit nga itong Carlos na ito ay siguradong mami-miss ko eh.

Ngumiti nalang ako sa kanya. Ano ba ang pakay ng lalaking ito dito sa bahay? Baka akyat bahay siya at lilimasin niya ang buo kong kwarto.

“Salamat!” sabi niya.

“Naliligaw ka ba?” tanong ko. “Sa bintana ka nalang dumaan para hindi ka nila mapansin.”

“No, hindi ako naliligaw… gusto ko lang itanong kung bakit kayo lilipat.”

“Ewan, ganun lang talaga ang trabaho nina papa at mama kaya palipat-lipat kami ng tirahan. Tutulungan mo ba ako na tumakas dito?”

“Hindi ka ba nagtatanong kung anong trabaho nila?” tanong ni Carlos.

“Ang dami mo namang tanong… umalis ka na nga if hindi mo ako tutulungang tumakas. Sige ka isusumbong kita kay papa at baka ipalapa ka pa sa mga aso namin.”

“Sige I’ll help you escape if you tell me kung bakit kayo parating umaalis,” sabi niya.

Pero sabi nina papa na huwag na huwag ko daw sasabihin sa ibang tao ang totoo tungkol sa akin dahil matatakot lang sila. Kahit magaan ang loob ko kay Carlos ay hinding-hindi ko sasabihin sa kanya ang totoo. Hindi ko sasabihin kahit kanino man ang tunay na dahilan kung bakit lipat kami ng lipat ng tirahan.

“Umalis ka na nga!” sabi ko sabay tulak ko sa kanya sa bintana. Hindi ko naman siya ihuhulog. “Umalis ka na o sasabihin ko sa kanila na nandito ka!”

Hindi ko naman sinasadya na maitulak si Carlos mula sa bintana ng kwarto ko. Nandito pala kami ngayon sa ikalawang palapag ng bahay at nakita kong nahulog siya papunta sa may garden namin.

“Arvie! Are you okay!” sigaw ni mama mula sa labas ng pinto.

“Yah, I said I’m fine,” sabi ko pero sa tingin ko hindi fine si Carlos. Tinignan ko ang kinahulugan niya pero hindi ko siya makita. May lahi sigurong multo ang Carlos na iyon. Hayaan na nga!

Nang mahiga na ako sa kama ay siya namang pagbukas ng pinto. Nakita ko sina mama at papa na humahangos.

“Are you okay?” paulit-ulit na tanong ni mama.

“Meron kaming narinig na kaluskos!” sabi naman ni papa na agad ininspeksyon ang bintana. Medyo madilim na rin kaya hindi nila napansin ang ayos ng garden.

“Don’t you ever leave again!” pagbabanta ni papa at pagkatapos ay isinara na niya ang bintana.

“Anak?” sabi ni mama pero hindi ko na sila pinakinggan at nagtago nalang ako sa kumot. Ayoko silang makita dahil naiinis na ako. Pero pinipigilan ko nalang ang sarili ko dahil sa tuwing naiinis ako ay merong nangyayaring masama sa paligid.

Umiyak nalang ako at pilit na ipinikit ang aking mga mata. Ayoko nang mangyari ang kinakatakotan ko. Ayoko nang mawala sa sarili ko at makapanakit ng ibang tao. Ito kasi ang sinasabi nilang dahilan kung bakit palagi nalang kaming palipat-lipat ng tirahan.

Carlos:

 

Masakit pa rin ang buo kong katawan sa pagkakahulog mula sa ikalawang palapag ng kwarto ni Arvie. Hindi naman talaga ako nahulog dahil mabilis kong nakontrol ang sarili ko para maging smooth ang landing ko katualad ng mga pusa. Talagang nahihiwagaan ako sa mga pangyayari kaya minabuti kong mag-imbestiga nang konti. Inakyat kong muli ang kwarto ni Arvie at pumanhik sa may balcony ng kabilang kwarto. Nakita ko ang kanyang mga magulang na kinakausap si Arvie na nasa loob ng kanyang kumot.

Isip bata kasi si Arvie kaya alam ko na siya ang nagtatago sa loob ng kumot.

“Alam mo namana ng dahilan kong bakit tayo aalis sa lugar na ito diba?” sabi ng kanyang ina. Hindi pa rin sumasagot si Arvie.

“Hindi maaring malaman ng ibang tao na ikaw ay kakaiba dahil katatakotan ka nila o di naman kaya ay sasaktan,” pagpapatuloy ng kanyang ina.

“Hindi!” umupo si Arvie sa kanyang higaan. “Bakit? Nahihiya kayong malaman nila na isa akong halimaw!” umiiyak na pala si Arvie. Pagkatapos ay bumalik na naman siya sa kanyang pagtatago sa ilalim ng kanyang kumot.

“Mapanganib na kasi para sa iyo ang lugar na ito. Dahil gusto ka nilang makuha at hinding-hindi ko hahayaang kunin ka nila sa amin para pag-aralan. We are doing this to protect you!” sabi naman ng kanyang ama.

Ano daw? Hindi ko sila maintindihan sa kanilang mga pinagsasabi. Pero bago ko pa man maintindihan ang kanilang pinag-uusapan ay may taong tinangka akong sugurin mula sa likuran. Naiwasan ko naman ang kanyang pag-atake dahil narinig ko ang kanyang mga yapak. Kung hindi ako nakailag ay tiyak na mapapatumba ako sa isang suntok lang ng kuya ni Arvie.

“Carlos right?” sabi niya na may kasamang pagbabanta.

Sumugod na naman siya pero mabilis ko itong nasangga ng mga braso ko. Ang lakas niya dahil nararamdaman kong parang nabali ang mga buto ko. Narinig ko rin na meron pang mga tauhan nila na paparating sa kinakatayuan namin kaya agad akong naghanap ng malalabasan bago pa man nila ako mahuli.

Tumakbo ako malapit sa pader pero bigla akong hinarang ng kuya ni Arvie. Matangkad at malaki ang kanyang pangangatawan kaya para rin siyang nagsilbing pader. Pinilit kong makasuntok sa kanya pero nasangga niya ito at ako pa ang natamaan ng kanyang counter punch at natilapon sa malayo.

Pinilit kong tumayo pero agad niyang natamaan ang sikmura ko. Hindi ako makakilos at pinagmasdan ko nalang siya dahil hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Parang may sa demonyo ang kuya ni Arvie.

Unti-unti ng nanilim ang mga paningin ko at pakiramdam ko ay tuluyan na akong napatumba sa may damohan.

Cupid's Heart [Major Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon