Noon,Ngayon by Jadykim

8 2 2
                                    

Mahal, naalala mo pa'ba yung noon.
Noon na sabay tayong naglalakad sa dalampasigan.
Magkahawak kamay at masayang nagki-kwentuhan.
Yung noon na ikaw lang at ako,
Noon na ako lang and mundo mo.
Noon na madalas kong marinig sa labi mo ang mga katagang mahal na mahal mo ako.

Pero sa isang iglap nagbago ang   lahat.
Nakilala mo siya, Nakilala mo sila .
Naging masaya ka na kapiling sila.
Habang ang tayo nakalimutan mo na.
Hanggang sa marining ko sa mga tropa mo'ng may  "siya" na satig dalawa.

Pero di ko yun pinaniwalaan, dahil pagmamahal mo sakin ay aking pinanghahawanakan.
Kaya para mapatunayang sinasabi nila'y walang katotohanan.
Tinanong kita. Puro kaba ang aking nararamdaman.

"Mahal hindi mo naman ako kayang saktan diba? Hindi naman to too ang sinasabi nila diba?"

Habang titig na titig ako sayo.
Ikaw. Hindi makatingin sakin ng diretso.
Hinintay ko ang sagot mo hanggang sa bigla mo ako ng niyakap at sinabing "patawarin mo ako"

Dun palang gumuho na ang mundo ko.
Dahil mga katagang yan ang ayaw Kong marinig mula sa labi mo.
Dahil ang mga katagang yan ang nagpapatunay kung paano mo ako niloko. Kung paano mo ako ginago.
Ano bang maling nagawa ko? Ang ginawa ko lang naman ay mahalin ka ng todo.

Ngayon pinagmamasdan kita mula sa malayo.
Nakikita ko ang saya sa labi at mga mata mo.
Saya hindi dahil kapiling mo ako.
Kundi saya dahil siya ang kasama mo.
Ngayon na kung daan-daanan mo ako na para bang wala tayong pinagsamahan.
Na para bang hindi mo'ko nasaktan.
Ngayon na wala akong ibang magawa kundi tanggapin ang katotohanan .
Na pag-ibig mo ay nabaling na sa iba.
Na ang noon ay tapos na at ang ngayon at bukas ay iba na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon