Isa, Dalawa, Tatlo
Ang puso kong ito
Na tumitibok para sayo
Kaya't ginawa kitang mundoMapapansin mo kaya ang katulad ko?
Na pasulyapsulyap lang sa mga ngiti mo
Na nag aalala sa kalagayan mo
At laging nahihiya pag kinakausap moAndito parin ako
Umaasang ako ang tignan mo
Na balang araw ako ang bubuo sa puso mo
Pero ang sakit kasi lahat iyan ay malaboPero ginagawa ko ang makakaya ko
Na lagpasan kung ano man ang nasa kanya na wala ako
Kaya ko rin magbago para sayo
Na ang dating uto uto ay magiging matino at matalinoKinkkilig ako
Nung minsang binigyan mo ako ng motibo
Na huwag ako maging negatibo
Dahil dahil may posibilidad na magustuhan mo akoKaso naiisip ko baka isa ka rin sa mga manloloko
Kasi kalat ngayon na lahat ng lalaki ay hindi na ganon katotoo
Sabi ko naman siguro kaya niyang magbago
Na sa ngalan ng pag ibig ay iiwasan niyang mang gagoPero Pero Pero
Lagi nalang ba akong mangangarap na merong ikaw at ako?
Sabagay natatakot rin kasi ako
Na baka masaktan lang ako sa huli ng kwentong itoPero andito parin ako
Na pinagpapantasyahan ka sa panaginip ko
Patuloy parin ako
Na umasa na may magiging ikaw at ako~Legendary_Euphrosyne
YOU ARE READING
The TRUTH
قصص عامةMinsan mo na bang naisip kung gaano kaimpluwensiya ang systema natin sa ating pang araw araw na gawain? Siguro nga't hindi natin namamalayan na isa na tayo sa mga sumasabay sa uso. Para sa ating mga millenial ito kaya siguradong makakarelate kayo.